Questions


September 2022 2 4 Report
Lahat ng tao ay malayang gumawa ano man ang nanaisin niya. Ang pagpapasiya ng kaniyang isip at puso sa pagsagawa ng makataong kilos ay nararapat at kailangang maging maingat sa lahat ng pagkakataon sapagkat pananagutan niya ang kawastuhan o kamalian man ng kaniyang kilos. Gamit ang Katwiran, sa madaling sabi ay pinag-isipang mabuti batay sa husga ng nahubog na konsensiya na naaayon sa katotohanan sinadya (deliberate) o niloob ng tao ang bawat pagpapasya o galaw niya. May kamalayan ang tao sa lahat ng kilos na ipinapakita at ginagawa niya.

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Isulat ang salitang Tama o Mali sa patlang.

_____1. Pagsusuot ng face mask kung kinakailangan.
_____2. Pagsang-ayon sa mga maling gawain ng kabarkada paminsan-minsan.
_____3. Pagsunod sa magulang sa lahat ng pagkakataon.
_____4. Hindi pagsusumbong sa kinauukulan sa nakitang pananakit ng isang bully sa iyong kaklase dahil sa takot na baka madamay ka.
_____5. Paggawa nang mga gawaing bahay kahit di inuutusan.
_____6. Pagtanggi sa paanyaya ng barkada na maglakwatsa.
_____7. Pagmamalasakit sa kalagayan ng iba na may sariling interes.
_____8. Pagkagalit sa mga nakikitang mali na ginagawa ng kapwa.
_____9. Pagsisinungaling sa magulang dahil sa kaarawan ng matalik na kaibigan.
_____10. Pag-iwas sa mga matataong pook kung kinakailangan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.