Lahat ba ng mga lalaki ay manloloko? Bakit? Ipaliwanag.
Hindi lahat ng lalaki manloloko at hindi lahat ng babae ay manloloko.
Hindi po lahat ng lalaki ay manloloko dahil malalaman natin sa kwento ng nakararamihan na simula nang sila ay mag-ibigan, at ikasal ay patuloy silang nagsasama hanggang sa huling hininga. Karamihan pa rin sa mga lalaki ay hindi manloloko, iyon ay depende lamang sa kung ano ang kanilang persepsiyon at papaano sila magmamahal.
Bakit may nagloloko?
Hindi maiiwasan na may iilang mga lalaki ang magloloko. Sila rin ay may kaniya kaniyang mga dahilan at ang iilan doon ay katanggap tanggap habang karamihan sa kanilang rason upang magloko ay hindi. Halimbawa, nawala na ang ganda ng babaeng minamahal niya. Hindi iyon ang rason upang magloko dahil dapat na tanggapin mo ang iyong kabiyak nang buong puso.
Papaanong hindi magloko?
Matututo ang isang lalaki na hindi magloko sa kaniyang sariling desisyon. Nasa kaniya lamang iyon. Kung sadyang hindi na mabago ang kaniyang kaugalian ay mahirap na niya iyong kontrolin. Kailangan lamang na ibigay ng lalaki ang kaniyang tapat na pagmamahal at tiwala sa babae.
Answers & Comments
Verified answer

#CarryOnLearning
Answer:
Hindi dahil merong ngang iba na kasal na at hindi na naghihiwalay at meron ding ibang lalaki na loyal at mabait