Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat talata ayon sa wastong pagkakasunod- sunod ng pangyayaring

nabanggit sa tekstong nabasa o napakinggan.

_____16. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng mahulaan ang kanilang

gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan at pagkatapos naitatala ang distansiya ng lupa

patungo sa kanilang lungga sa kapatagan.

_____17. Ang mga langgam, ay kung saan-saan napupunta sa paghahanap ng kanilang makakain. Pero kapag

oras na para bumalik sila sa kanilang lungga bumabalik sila sa nakakabilib na diretsong linya.

_____18.Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University sa Berlin ang mga

langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok para kumuha ng pagkain.
_____19. Kung paano sila nakakauwi mula sa pagkuha ng mga pagkain ay palaisipan pa rin sa mga siyentipiko.

Ngayon ay ipinahihiwatig ng mananaliksik na German at Swiss na ang aspeto ng gawaing ito ay gawa raw ng

matalas at malikhaing pagkilos. Nalaman nila na ang mga langgam kapag pinawalan sa patag na kalupaan ay

nagsisimulang maghanap ng distansiya mula sa kanilang lungga.

_____20. Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa distansya

ng lupa, imbes na ang kabuuang distansiya na nalakbay sa taas-babang terrain.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.