Questions


October 2022 1 4 Report
Kwento:

Nalulungkot si Ben. Nang itanong ng ina kung ano ang dinaramdam niya ang kaniyang sagot ay, “kasi po ang mga kamag-aral ko ay may pamasko para sa aming guro. Ako lang po ang wala.” Alam ng butihing ina na ang bagay na ito ay mahalaga sa anak dahil mahal nito ang kaniyang guro. Sa palagay naman niya, mauunawaan ng guro na sila’y dukha, at sa totoo lang, alam naman niyang hindi naghihintay ang guro ng regalo kahit kanino. “Halika anak, at may ikukuwento ako sa iyo. Kuwento ito ng manunulat na si Pablo Cuasay. Kapag narinig mo ay malalaman mo rin ang dapat mong gawin.” At nagkuwento ang ina. Dalawa na lamang araw at ipipinid na ang pinto ng paaralan dahil sa pasko. Sa paaralan ay may punong-kahoy na pamasko na puno ng palamuti at mga ilaw. Ito’y puno ng mga alaalang laan ng mga bata sa kanilang mga guro at kamagaaral. Ang lahat ay maligaya. Ang buong daigdig ay nadaramtan ng kaligayahan. Malapit nang isilang ang Mananakop. Ang lahat ay may ngiti sa labi – may awit sa papawirin. Ngunit may kaawa-awang nilalang na nalulungkot. Siya’y si Nestor. Bakit? Ang lahat niyang kamag-aral ay may alaala sa pinakamamahal na guro subalit siya’y wala. Paanong hindi gayo’y si Nestor ay ulila sa ama at ang ina ay maralita. Ang ina’y walang kaya upang isunod sa kagustuhan ng kaniyang bunsong anak. “Inang,” ang hikayat ni Nestor, “Ako lamang ang walang alaala kay Bb. Mirasol. Ang lahat – sina Ador, Florante, Ramon at Orlando – ang bawat isa sa kanila ay may pamasko sa aking guro. Ako ay bukod-tanging wala.” “Nestor,” ang butihing ina ay sumagot, “makinig ka. Alam ng iyong guro na tayo’y dukha. Siya’y di naghihintay ng alaalang galing sa iyo. Huwag mong ikalungkot iyan. Talos kong si Bb. Mirasol ay nakauunawa sa ating kalagayan.” Si Nestor ay walang kibo. Maaga siyang nahiga ngunit hindi makatulog. Siya’y nag-iisip. Kung mayroon lamang siyang pagkakakitaan, kahit kaunting salapi upang ibili ng kanyang pamasko! Katapusang araw na kinabukasan. Si Nestor ay nag-isip nang nag-isip. May gumuhit sa kaniyang gunita. Mayroon siyang naisip na maiaalay na alaala kay Bb. Mirasol. Ito kaya ay kasiya-siya? Magustuhan kaya ng kaniyang guro? Siya’y bumangon. Tinungo ang munting hapag sa silid at sa malamlam na ilawan ay isinulat sa malinis na papel ang kaniyang pamasko. Pinagbuti niya ang kaniyang pagsulat, ulit-ulit na binasa at pagkatapos ay tiniklop at ipinaloob sa sobre. Sinarhan niya ito, ipinaloob sa isang aklat at nahigang muli. Mayroon na siyang alaala. Anong tuwa niya! At nakatulog siya ng mahimbing. Kinaumagahan siya’y pinukaw ng ina, “Nestor, bangon na. Tatanghaliin ka sa pagpasok.” Si Nestor ay nagmamadaling nagbihis, kumain at tumungo sa paaralan. Hindi niya nalimutang dalhin ang kaniyang pamasko sa kaniyang guro. Sa lansangan ay gayon na lamang ang kanyang tuwa! Mayroon na siyang pamasko! Ito kaya ay mabuting alaala? Iyan lamang ang kaniyang nakaya at galing sa kanyang puso. Nang dumating siya sa silid-aralan ay kaydami nga ng batang nanonood sa Christmas tree. Buong-ingat na ibinitin ni Nestor ang kaniyang pamasko sa guro. Nakinig siya sa lahat ng bilang ng palatuntunan ngunit ang laging umuukilkil sa kanya ay ang tanong na, “Maibigan kaya ni Bb. Mirasol ang aking alaala?” Ang katapusang bilang ng palatuntunan ay pamumudmod ni Santa Claus ng mga pamasko. Sumasal ang puso ni Nestor nang katapusa’y ibinigay ni Santa ang sobre niya kay Bb. Mirasol. Tila kilala ni Bb. Mirasol ang kaniyang sulat. Tinitigan ang mga titik bago binuksan ang liham. Samantalang binabasa ang liham, si Nestor ay nagmamasid. Matapos ang palatuntunan umalis na si Santa, pati lahat ng mag-aaral na nagpaalam kay Bb. Mirasol. Ang kahuli-huliha’y si Nestor na tinawag ng guro. “Nestor, pumarito ka. Ako’y may sasabihin sa iyo.” “Nakita mo ba kung gaano karami ang mga alaalang tinanggap ko? Ako’y galak na galak pagkat iya’y tagapagpakilala na ako’y minamahal ng aking mga tinuturuan. Sa pumpon ng mga alaala ay bukod at tangi ang iyo na pinakamahalaga sa lahat. Ang iyong alaala ay di pangkaraniwan. Iya’y nagbigay sa akin ng labis na kagalakan.” Namangha si Nestor, di yata’t ang kanyang alaala ang pinakamahalaga sa lahat! Ito ang sabi ng kanyang guro. “Salamat po, at maligayang pasko.” ang sabi ni Nestor bago siya umalis. Siya ay tuwang-tuwa. Dahil sa labis na kaligayahan ni Bb. Mirasol, kaniyang binasa muli ang liham. “Minamahal kong Guro:

picture po ang tanong​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.