Pagsasanay 2 Panuto Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba at pagkatapos gawin ang Gawain sa ibaba Nagbago si Rosy Mahal sl Rony ng kaniyang nanay at kapatid. Ngunit palagi siyang pinaalalahanan ng kaniyang nanay na ayusin niya ang kaniyang mga gamit at labhan ang kaniyang mga damit. Nahihirapan siyang gawing mag-isa ang mga takdang-gawin. "Tingnan mo ang kama mo, Rosyl Nagkalat ang marurumi mong damit Dapat mong labhan ang mga ito," pagpapaalaala ng kaniyang ina Kallangan ko po bang gawin iyan? Masusugatan po ang mga kamay ko. Bakit hindi na lang po kaya kayo kumuha ng kasambahay?" mungkahi ni Rosy * Rosy, hindi dapat na laging umaasa sa isang kasambahay, Kallangan matuto kang gawing mag-isa ang mga takdang-gawain." Masyado po akong mapapahiya kung makikita ako ng mga kaibigan ko na naglalaba," pagpipilit ni Rosy Bakit ka mapapahiya? Tiyak na hindi dapat dahil nagtatrabaho ka. Mas nakahihiya ang katamaran. Walang patutunguhan ang mga taong tamad." "O, sige po, Inay, lilinisin ko po ang kuwarto ko, lalabhan ko na rin po ang mga damit ko. Ipinapangako ko po iyan." "Okey, aasahan ko iyan! Mula ngayon kailangang linisin mo ang iyong kuwarto at lalabhan ang iyong mga damit. Dapat kang magtrabaho nang mabuti para sundin ka ng nakababata mong kapatid." "Opo, Inay , Ipinapangako ko po. Magiging mabuting modelo ako para sa nakababata kong kapatid," paninigurado ni Rosy sa kaniyang ina.

Gawain: Tulad ni Rosy ay madalas din tayong pinaalalahanan ng mga nakatatanda na gampanan ang ating tungkulin sa bahay, sa paaralan, simbahan o pamayanan para sa ikabubuti natin at sa ating kapwa. Anong mga paalala mula sa mga pangalan sa ibaba ang iyong ginagawa para sa ikabubuti ng iyong kapwa? Isulat ito


Halimbawa: Nanay: Pinaalalahanan ako ni nanay sa tuwing kami ay nagsisimba na huwag mag-ingay at huwag maglaro sa loob ng simbahan dahil nakalistorbo sa pari at sa mga nagdarasal.

1. Nanay: _________________________
2. Tatay: _________________________
3. Guro: __________________________
4. Ate/Kuya: ______________________
5. Kaibigan: _______________________

Paki sagot po Ate/kuya ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.