Paki sagot po nito
Panuto: Basahina at unawain ang kuwento sa ibaba at pagkatapos gawin ang gawain sa ibaba. (Story on the picture)
Halimbawa:
Nanay: Pinaalalahanan ako ni nanay sa tuwing kami ay nagsisimba na huwag mag-ingay at huwag maglaro sa loob ng simbahn dail nakaiistorbo sa pari at sa mga nagdarasal.
1. Nanay:____________________________________
2. Tatay:____________________________________
3. Guro:____________________________________
4. Ate/Kuya:____________________________________
5. Kaibigan:____________________________________
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
1. Nanay: Pinaaalalahanan ako ng aking ina na palagi kong isaisip na mas mabuti ang umunawa kesa unawain. Ibig sabihin ay palagi kong lawakan ang aking pang-unawa sa aking kapwa.
2. Tatay: Si Tatay ay palaging nagsasabi na ang inggit ay hindi maganda sa katawan. Ang bawat tao at bawat pamilya ay may kanya kanyang kakayahan at estado. May mga bagay na mayroon ang aking kalaro pero dahil kami ay gipit, hindi ako maaaring magkaroon noon. Matutong makuntento sa kung ano ang mayroon.
3. Guro: Karamihan sa aking guro ang ipinapaalala ay mag-aral nang mabuti. Magsikap daw upang makatapos. Mas maigi daw ang may natapos ayon sa kanila, pero hindi ibig sabihin na basehan ang edukasyon sa tagumpay, maaari mo itong maging tungtungan patungo sa ruruok ng tagumpay.
4. Ate/Kuya: Ang aking mga nakatatandang kapatid ay palaging nagpapaalala na ako ay huwag basta sumama kung kaninong barkada. Sabi nila may mga barkadang masama at may mabuti. Pillin ko daw nang maayos ang aking sasamahan.
5. Kaibigan: Ang aking matalik na kaibigan ay palagi sa aking tabi pero ang lagi nyang sinasabi, "Hindi ibibigay ng Diyos ang pagsubok kung hindi mo kaya." Ibig nyang saibihin ay malalagpasan ko din ang anumang problema sa buhay.
Explanation:
Ang pagbibigay payo o paalala sa pinaka mahusay na paraan ay tanda ng pagmamahal mo sa imga taong nakapaligid sa iyo. At pagkatapos ng bagay na ito ay tanggapin nawa ng isang tao ang kanyang pagkakamali tanda naman ng kanyang pagpapakumbaba.
#BRAINLYFAST