Questions


May 2023 1 0 Report
Kuwento ni Pilo sang gabi, ginabi na si Pilo sa pag-uwi at siya'y lasing, Iniabot niya ang sweldo sa kanyang asawang si Elsa. Ang sweldo ni Pilo ay dapat 1, 200 piso ngunit 1,000 lang ang natanggap ni Elsa. Hindi yaon ang unang pangyayari. Tatlong sunud-sunod na buwan na itong ginagawa ni Pilo. Nang gabing yaon, nag-away ang mag-asawa. Dahil sa di makontrol ang kaniyang sarili, sinaktan ni Pilo si Elsa. Lubhang nagdamdam si Elsa sa ginawa ni Pilo sa kaniya. Kinabukasan, nang pumasok na si Pilo, nag-alsa - balutan si Elsa. Kasama ang dalawang anak. umuwi siya sa kaniyang ina. Sa pag-isa, walang ibang iniisip si Pito kundi ang kanyang asawa at mga anak. Napagtanto niyang siya ang may kasalanan, naisip niya na sana'y sinabi niya sa kanyang asawa ang kalagayan ng kanilang kumpanya. Dapat sinabi niya sa asawa na mawawalan siya ng trabaho matapos ang anim na buwan. Siguro, maiintindihan naman kung bakif lasing siya ng gabing yaon. Siguro, hindi sila nag-away. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:



1. Ano ang puwede mong imungkahi kay Pilo para hindi niya saktan ang kanyang asawa kapag sila ay nag-aaway?



2. Upang makaiwas sa pag-aaway ang mag-asawa, ano kaya ang nararapat na maipayo sa kanila?



3. Halimbawa ikaw ay kaibigan ni Elsa at nagkuwento ito sa 'yo ng problema nilang mag-asawa, ano ang iyong maipapayo sa kanya?


4. Tama ba ang pag-aalsa balutan ni Elsa? Ano ang kailangang gawin kapag ika'y nagdamdam sa mahahalagang tao sa iyong buhay?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.