Kuwento ng Pagtatagumpay
Akda ni R.R. Revadillo
Sa isang bayan sa Bulakan ay naninirahan ang pamilya ni Marites. Nais niyang maging
isang bihasang doktor. Siya ay mula sa isang mahirap na pamilya. Magsasaka lamang ang kanyang
mga magulang. Subalit sa kabila ng kanilang kahirapan ay iginapang siya ng kanyang magulang
upang makapagtapos ng haiskul. Nang siya ay mag-aaral na sa kolehiyo ay kinausap siya ng
kanyang ina na baka hindi na nila matustusan ang gastusin nila para sa kanyang matrikula dahil
sapat lamang para sa kanilang pangangailangan ang inaani nila sa bukid at may mga nakababata pa
siyang kapatid na pinag- aaral. Subalit hindi nawalan ng loob si Marites, sa halip ginamit nya ang
kanilang kahirapan bilang inspirasyon upang patuloy na mangarap at magsikap para makamit niya
ang minimithi sa buhay. Dahil siya ay matalino, kumuha sya ng scholarship sa DOST, ito ay isang
institusyon na tumutulong sa mga mag-aaral na may angking talino at may kakayahan sa larangan
ng siyensya. Magbibigay sila ng suportang pinansyal sa mga mag-aaral na makakapasa dito. Dahil
siya ay matalinong bata, pumasa din siya sa entrance exam sa isang kilalang pampublikong
unibersidad sa lungsod ng Maynila. Dito niya pinagsikapang abutin ang kanyang mga pangarap,
hindi siya sumuko bagama’t mahirap ang kanyang pinagdadaanan. Matapos ang sampung taon ng
kanyang pag- aaral at pagpupunyagi ay nakamit nya ang diploma ng pagtatapos bilang isang doktor.
Sa kasalukuyan ay naglilingkod sya sa kanyang mga kababayan kung saan siya nagmula. Hindi nya
ipinagkakait ang tulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng kanyang tulong lalo na ngayon na
tayo ay humaharap sa isang pandemya.
Panuto: Sagutin sa iyong kwaderno ang sumusunod na mga tanong.
1. Tungkol saan ang kwentong inyong binasa?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
3. Ano ang naging suliranin ni Marites?
4. Paano natugunan ang pangangailangan ni Marites sa kanyang pag- aaral?
5. Ano ang kanyang mga naging inspirasyon upang hindi sumuko?
Paki Sagutan Pls
Answers & Comments
Answer:
1.tungkol sa kwento ng pagtatagumpay
2.si marites at ang kaniyang pamilya
3.hindi na kayang tustusan ng kaniyang mga magulang ang kaniyang pag aaral dahil sa kahirapan ng buhay
4.Dahil siya ay matalino, kumuha sya ng scholarship sa DOST, ito ay isang
institusyon na tumutulong sa mga mag-aaral na may angking talino at may kakayahan sa larangan ng siyensya. Magbibigay sila ng suportang pinansyal sa mga mag-aaral na makakapasa dito.
5.ginamit nya ang kanilang kahirapan bilang inspirasyon upang patuloy na mangarap at magsikap para makamit niya ang minimithi sa buhay.