Kung sinong makasagot ng maayos brainliest answer
bumuo ng isang mahabang kwento mula sa nais mong paksa
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
Answers & Comments
Noong Unang Panahon may isang bata na nangangalang James mahilig sya maglaro sa dagat kasama ang kanyang kaibigan na si Luis. Isang araw noong naglalaro sila sa dagat may nakita silang kumikintab na bagay, kinuha ito ni James at bigla itong pumutok ng kalayo, at nasugatan si James si Luis naman ay tumawag ng kaniyang Ina para tulungan ang nangyari kay James, pumunta sila sa ospital para gumaling habang ang ama ni James ay nagi imbenstiga sa nangyari sa kanya at sinabi ni James ang buong pangyayari, at mula noon hindi na sila humahawak ng kumikintab na mga bagay.
"Sina Adan at Eba"
Sina Adan at Eba ay tumira sa Halamanan ng Eden. Nagpunta at nakipag-usap sa kanila ang Diyos at si Jesus. Maraming punungkahoy sa halamanan. Sinabi ng Diyos kina Adan at Eba na maaari nilang kainin ang bunga mula sa lahat ng punungkahoy maliban sa isa.
Ito ang punungkahoy ng mabuti at masama. Kung kanilang kakainin ang bunga mula sa punungkahoy na iyon, kanilang malalaman kung ano ang mabuti at masama. Kinakailangan nilang umalis sa Halamanan ng Eden. Kung hindi nila kakainin ito, sila ay maaaring palagiang tumira sa Halamanan ng Eden. Sinabi ng Diyos na sila ay makapamimili.
Isang araw si Satanas, ang demonyo, ay nagpunta sa Halamanan ng Eden. Sinabi niya kay Eba na dapat niyang kainin ang bunga ng punungkahoy ng mabuti at masama. Sinabi ni Eba na sinabi ng Diyos sa kanila ni Adan na huwag kainin ito.
Sinabi ni Satanas na ang bunga ay kanais-nais. Sinabi niya kay Eba na ito ay makapagpapatalino sa kanya. Malalaman niya ang mabuti at masama. Pinili ni Eba na kainin ang bunga
Sinabi ni Eba kay Adan na kinain niya ang bunga. Kinakailangan niyang umalis sa halamanan. Binigyan niya si Adan ng ilang bunga. Kinain ito ni Adan.
Dinalaw ng Diyos sina Adan at Eba. Hindi nila sinunod ang Diyos. Sila ay natakot. Tumakbo sila at nagtago.
Kinausap ng Diyos sina Adan at Eba. Tinanong Niya kung kinain nila ang bunga ng punungkahoy ng mabuti at masama. Sinabi nilang sinabi ni Satanas na kainin nila ito. Kaya kinain nila ang bunga.
Sinabi ng Diyos kina Adan at Eba na kailangan nilang umalis sa Halamanan ng Eden. Hindi na sila maaaring tumira pa roon. Umalis sina Adan at Eba sa Halamanan ng Eden.
Sina Adan at Eba ay masipag na gumawa upang magkaroon ng pagkain. Sila ay tumanda. Alam nilang mamamatay sila balang-araw.
Nalaman nina Adan at Eba ang mabuti at masama. Nagkaroon sila ng mga anak. Minsan sila ay masaya. Minsan sila ay malungkot.
Binigyan ng Diyos sina Adan at Eba ng mga kautusan. Sinabi Niyang dapat silang manalangin sa Kanya. Sinabi ng Diyos kay Adan na mag-alay sa Kanya. Upang makapag-alay, pumatay ng hayop si Adan. Sinunog niya ang hayop sa dambanang bato
Isang anghel ang nagpakita kay Adan. Sinabi niyang si Jesus ay mag-aalay ng Kanyang buhay para sa atin balang-araw. Ito ang Kanyang magiging handog sa atin. Ang mga pag-aalay ay makatutulong kina Adan at Eba na isipin ang tungkol sa pagsasakripisyo ni Jesus.