1 Gumawa ng hukay na 5 metro ang lalim sa lugar na tuyo, patag at malayo-layo sa bahay
2 Tipunin ang mga nabubulok na basura tulad ng tuyong damo, dahon,balat ng mga gulay at prutas, dumi ng hayop at iba pa.
3 Ilagay/ ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang umabot ng 30cm ang taas. Lagyan ng abonong urea upang mabilis ang pagkabulok ng basura.
4 Ipaibabaw ang dumi ng hayop sa kapal na 15 sentimetro bago lagyan muli ng lupa, abo o apog. Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak ng mga basura hanggang mapuno ang hukay.
5 Diligan ang ibabaw ng hukay araw-araw.Takpan ang ibabaw ng hukay ng yero o dahon ng saging upang hindi bahain kapag umulan.
6 Itusok sa nagawang compost pit ang piraso ng kawayan na walang buko na may butas sa gilid upang makapasok ang hangin at maging mabilis ang pagkabulok ng basura.
7 Bunutin ang itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong linggo at haluing mabuti ang pinagsamasamang basura at lupa.
8 Pagkalipas ng dalawang buwan o mahigit ay maaari na itong gamiting pataba sa mga halaman.
Answers & Comments