Questions


October 2022 2 9 Report
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang tsek (/) kung
nagpapahayag ito ng pagkakaroon ng sanhi at bunga, ekis (x) naming kung wala.
_____1. Ang Tagalog na batayan ng wikang pambansa, ayon sa pag-aaral na ginawa
noong 1934 ni Otto Dempwolff ay kabilang sa Indonesian subgroup ng Austronesian.
_____2. Walang isang wikang pinairal noon sapagkat sa halip na ituro ang wikang
Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag-aral ng mga katutubong wika.
_____3. Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyo, nagkaroon na ng
pagtatangkang itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa.
_____4. Ang Kilusang Propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa mga
pahayagang isinulat nila.
_____5. Buhat noong magkaroon ng Kapulungang Pansaligang Batas noong 1934, naging
maliwanag ang landas sa hangaring magkaroon ng wikang pambansa.
_____6. Ang pangulo ng Komonwelt noon na si Manuel L. Quezon ang naging masugid
na tagapagtaguyod na magkaroon ng isang wikang pambansa.
_____7. Dahil sa pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa kung ano ang batayan ng
magiging wikang pambansa, naging malinaw ang katayuna na magkakaroon nito.
_____8. Bukod sa pagkakaroon ng wikang pambansa, kasama rin sa plano ang
pagpapaunlad at patuloy na paglinang sa iba pang wika sa Pilipinas.
_____9. Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quzon ang unang mga kagawad ng Surian ng
Wikang Pambansa.
_____10. Tagalog ang sinasalita ng mayorya sa bansa, kaya ito ang napiling batayan ng
pagkakaroon ng wikang pambansa.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.