Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang ilan sa mga pangyayari sa Florante at Laura, alin-alin ang mga ito at ikuwento kung ano ang nais mong mangyari dito.
madriagamoirasabina
Masasabi na sa loob ng bilangguan ng Pandakan, Maynila ay doon sinulat ni Francisco Balagtas (sa sagisag na Francisco Baltazar) ang ngayo'y kinikilalang walang kamatayang Florante at Laura na buong puso at pagmamahal niyang inihandog kay Selya (Maria Asuncion Rivera o M.A.R.), na nakasal kay Mariano Kapule (ang karibal ni Balagtas) na mula sa isang masalaping angkan.
madriagamoirasabina
Sa kapangyarihan ng yaman ng mga magulang ni Capule ay nagawan ng paraan na maihabla sa hukuman at maipiit sa bilangguan ang makata.Tinuturing ng ating pambansang bayani, Dr. José Rizal, ang Florante at Laura na pinakamahusay na awit noon, at nagtataglay ng mga diwaing masasalamin umano sa lipunan.
madriagamoirasabina
Makikita dito ang pinagsanib na tula at kasaysayan ng Pilipinas noong ang mga Filipino ay nasa ilalim nang pamamahala ng pamahalaang Kastila. Inilalarawan dito ang uri at layon ng paghihimagsik. Ang himagsik laban sa malupit na pamamalakad ng mga Kastila. Ang mga tauhan, lugar ay kinuha ni Balagtas sa ibang bansa ngunit ang mga kilos at gawi ay himig Filipino at ang mga pangyayari ay nahahawig sa mga pangyayari noong panahon na iyon.
madriagamoirasabina
Ang Florante at Laura ay isang awit na binubuo ng 399 na saknong. Ito ay isang tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.
madriagamoirasabina
Sa kasalukuyan, ang Florante at Laura ay isa sa mahahalagang akda ng Panitikang Filipino na pinag-aaralan ngayon sa mataas na paaralan (sa ikalawang taon), alinsunod sa kurikulum na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon.
bellaosamu89
Para sa akin wala akong babaguhin dahil ito Ang bigay Ng diyos sa atin at dapat aalagaan lang ito
Answers & Comments
Answer:
may storypo ba sya if meron can you tell me in the comments hehe