Subukin
Sa maikling pagsusulit na ito malalaman mo kung ano ang
kaalaman mo sa aralin ngayon. Gawin muna ito sa iyong
kuwaderno. Lagyan ng markang tsek (/) kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng pagtulong o pagtugon sa pangangailangan ng
iyong kapuwa at ekis (x) kung hindi.
______1. Pinatuloy ni Josefa sa kanilang malaking bahay ang
pamilya ng kaniyang kaibigan noong nakaraang
bagyong Ulysses.
______2. Namigay ng mga delata, bigas at tubig ang
mga opisyal ng barangay isang araw matapos ang
bagyo.
______3. Hindi pinansin ni Roden ang matanda na galing
sa malayong lugar na humihingi ng maiinom na
tubig .
______4. Nag-abot ng tulong pinansyal sa mga taga –Albay
ang gobernador ng Naga City sa mga nasalanta ng
bagyong Tisoy.
______5. Hindi pinansin ni Aling Nita ang pagkatok ng
kanilang kapitbahay noong kasagsagan ng bagyong
Ulysses.
______6. Tumanggi si Adora na ibigay sa mga nasalanta ng
bagyo ang kaniyang mga lumang damit.
______7. Hindi alintana ng isang samahan ng mga mag-aaral
ang init, pagod at gutom, maihatid lamang ang kanilang
tulong sa mga biktima ng sunog.
______8. Buong pusong pinatuloy ni Gng. Reyes sa kanilang
bahay ang pamilya ng kaniyang kaibigan nang biglang
bumaha sa kanilang barangay noong nakaraang taon.
______9. Bawat mag-aaral ay nagbigay ng tulong sa mga
nasalanta ng landslide at pagbaha sa Tiwi Albay noong
nakaraang Nobyembre, 2020
______10. Ibinahagi ni Joy ang kalahati ng baon niyang
tinapay sa kaniyang kaklase dahil wala itong baon.
pls answer . late na ako mag papasa
Answers & Comments
Answer:
1.✓
2.✓
3.×
4.
5.×
6.×
7.
8.✓
9.✓
10.✓