LPANUTO: Ilagay sa patlang ang tsek (/) kung ang pahayag ay nakatutulong sa paggawa ng kampanyang panlipunan at ekis (X) kung hindi.

1. Pagpasiyahan muna ang adbokasiyang ipaglalaban o ikakampanya.


2. Makatutulong din ang paggamit ng mga angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng social awareness campaign.

3. Balewalain kung paano ipahahayag ang mensahe ng kampanya na ipahahatid sa publiko.

4. Magsaliksik ng sinabi ng mga eksperto o mga salawikain na magagamit sa pagbibigay ng mensahe.

5. Pumili ng basta-bastang tagapagsalita na magbibigay ng mga impormasyon, epekto, at sanhi na dulot ng isyung ipinaglalaban.

6. Makatutulong nang malaki ang paglalagay ng larawan o simbolo dahil kung minsan, mas malakas ang dating nito sa publiko kaysa sa paggamit ng mga salita.

7. Maglapat ng damdamin sa mga pahayag na binuo.

8. Gumamit ng mga salitang naghuhumiyaw na kailangang mapansin ng mambabasa.

9. Pag-aralang mabuti ang disenyo ng kampanyang panlipunan dahil nakaaakit sa mambabasa ang magandang ayos at layout nito.

10. Humingi ng permiso sa may-ari o nangangasiwa ng lugar o pampublikong lugar na pagkakabitan ng poster, babola, o paunawasa kampanyang panlipunan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.