Questions


August 2022 1 0 Report
PINO 6
Quarter 3 - Week 3-4
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga talata. Isagawa ang hinihinging gawain
tungkol dito
Pilipinas - Mayamang Bansa
"Perlas ng Silangan" ang taguri sa ating bansa. Animo mga butil ng perlas ang malalaki at
maliliit na pulong bumubuo sa bansa kapag tinatanaw sa himpapawid. Subalit higit pa sa larawang
nabubuo ng mga pulo ang kaangkupan ng tawag na ito sa ating bansa. Tunay ngang hindi
mapasusubalian ang katotohanang mayaman ang Pilipinas. Binubuo ng yamang-tubig, yamang-
gubat at yamang-mineral ang mga likas na yaman ng bansa natin.
Matatagpuan sa mga ilog, lawa at dagat ang iba't ibang uri ng isda, perlas, kabibe at iba
pang pagkaing-dagat. Ang mga gubat ay natatamnan ng mga punongkahoy, na bukod sa ibinibigay
na kita, ay pumipigil sa pagbaha at humahadlang sa malakas na hanging dala ng bagyo. Samantala
ang yamang-mineral ay nauuri sa metal at di-metal. Marami pang ibang kayamanang matatagpuan
sa ating bansa. Sadyang kay yaman ng Pilipinas.
Bagong Binhi (Flipino...Wika at Pagbasa), pahina 171-172
Lagyan ng tsek (/) kung ang argumento ay kaugnay ng binasa at ekis (x) kung hindi.
1. Ang Pilipinas ay sagana sa mga yamang-lupa subalit hindi napangangalagaan
ng mga tao ang mga ito.
2. May mga naidudulot na kabutihan ang pagkakaroon ng mga yamang-mineral
subalit ang pagmimina sa mga ito ay nagdudulot din ng masamang epekto.
3. Ang kabutihan sa kapwa tao ay dapat maging limitado.
4. Marapat na piliin ang mga taong tutulungan, ang mga hindi kakilala ay huwag
ng pahalagahan
5. Ang bawat isa ay may pananagutan upang mapanatili ang yaman ng ating bayan​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.