Kumusta na ang target ko?
Panuto : Basahin mabuti ang mga pangungusap na nasa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Kailan nahalal si Manuel A. Roxas bilang unang pangulo ng Ikatlong Repblika?
A. Abril 23, 1946 B. Abril 24, 1946
C. Abril 25, 1946 D. Abril 26, 1946
2. Ano ang dahilan ng biglaang pagpanaw ni Pangulong Roxas noong Abril 15, 1948?
A. aksidente sa eroplano
C. atake sa puso
B. aksidente sa kotse
D. tuberkolosis
3. Ito ay nangangahulugan ng isang pagkilos o pagpapakita ng paglaban sa awtoridad o sa
pamahalaan.
A. produksiyon B. liberalisasyon C. insureksyon D. restriksyon
4. Alin ang hindi dahilan ng paglutas ng mga suliranin sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong
Magsaysay ?
A. Nagkaroon ng mga usaping may kaugnayan sa reporma sa lupa.
B. Tumaas ang halaga ng piso sa dolyar dulot ng pangingibang bansa.
C. Marami pang mga pinsala ang hindi natugunan dulot ng nakaraang digmaan.
D. Naging isang malaking balakid sa kaayusan ng bansa ang usapin ng insureksiyon.
5. Paano nagtapos ang panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay?
A. Nagkaroon siya ng malubhang karamdaman.
B. Bumagsak ang sinasakyan niyang eroplano.
C. Nagkaroon siya ng kasong graft and corruption.
D. Pinaalis siya sa pwesto ng mga mamamayan sa pamamagitan ng People Power.
6. Sino ang nanumpa bilang ikaapat na pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas noong
Disyembre 30, 1957?
A. Ferdinand E. Marcos B. Elpidio R. Quirino C. Manuel A. Roxas D. Carlos P. Garcia
7. Bakit naghigpit sa pag-aangkat ng mga dayuhang produkto noong panahon ng
panunugkulan ni Pangulong Garcia?
A. Naging sanhi ng pagkaubos ng mga reserbang dolyar ng bansa.
B. Naging sanhi ng pagkakaroon ng alitan sa mga pribadong kompanya.
C. Naging dahilan upang tumaas lalo ang binabayaran nating utang sa ibang bansa.
D. Naging dahilan upang mas tumaas pa ang kita ng mga dayuhang mangangalakal.
8. Alin ang pinakamalaking hamon na hinarap ng administrasyon ni Pangulong Macapagal?
A. Paglaganap ng mga komunista.
B. Malaking suliraning pangkalusugan ng bansa.
C. Kawalan ng katatagan sa ekonomiya ng bansa.
D. Pagkakaroon ng malawakang kaguluhan sa buong panig ng Pilipinas.
9. Kailan isinailalim ni Pangulong Marcos ang Pilipinas sa Batas Militar?
A. Setyembre 21, 1972 B. Setyembre 22, 1972 C. Setyembre 23, 1972 D. Setyembre 24, 1972
10. Alin ang hindi kabilang sa mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan noong panahon
ng Ikatlong Republika?
A. suliraning pangkabuhayan C. suliraning pang-ekonomiya
B. suliraning pampulitika
D. suliraning pangkaligtasan
Answers & Comments
Answer:
1. A. abril 23,1946
2.C. atake sa puso
3. B. liberalisasyon
4. A. nag-karoon Ng mga usaping may kaugnayan sa reporma sa lupa
5. B. bumagsak ang sinakyang eroplano
6. D. Carlos P. Garcia
7. D. naging dahilan upang mas tumaas pa ang kita ng mga dayuhang mangangalakal
8. B. malaking suliraning pangkalusugan ng bansa
9. A. Setyember 21,1972
10. B. suliraning pampulitika
Explanation:
Sana makatulong po, Pa brainly po if you want!!❤️
Iligtas ang Mundo
Paiba-iba ang lagay ng panahon. Sobrang init ang nararanasan ng tao kung tag-araw. Kung minsan naman mababalitaan na may bagyong darating gayong panahon naman ng tag-araw. Kung tag-ulan naman, bihirang umulan. Isinisisi ang pangyayaring ito sa sobrang kapabayaan ng tao sa kapaligiran.
Walang tigil ang tao sa pagtatapon ng basura sa ilog at iba pang anyong tubig, dahil dito dumudumi ang tubig na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga isda at iba pang lamang-dagat. Idagdag pa rito ang pagkakaroon ng “red tide.”
Ano ang kakainin natin? Maging ang mga estero sa lungsod ay bumabara. Kaunting ulan lamang ay bumabaha na maging ang tubig na iniinom natin ay di na rin ligtas.
Maging ang hanging ating nilalanghap sa araw-araw ay marumi na rin. Masangsang ang amoy ng hanging nagmumula sa tabing-ilog at dalampasigan. Ang sobrang kapal at maitim na usok na nagmumula sa mga sasakyan ay nagpapahirap sa mga tao. Tulad din ng walang tigil na pagbuga ng usok ng mga pabrika na siyang nagpapadilim sa kalangitan. Dahil sa polusyon sa hangin, ang pagdumi ng kapaligiran ay hindi maitatanggi. Isa pang epekto nito ay ang paghina ng ating baga at iba pang sakit na dulot ng maruming hangin.
Ang mga kagubatan ay unti-unting nakakalbo. Walang ingat ang ginagawang pagpuputol sa mga puno. Patuloy ang pagsasagawa ng sistemang kaingin. Patuloy ang pagsunog ng mga kainginero sa kagubatan. Ginagawa nila itong lupang mapagtataniman. Unti-unting gumuguho at nawawala ang matabang lupa dahil dito wala nang makapitan ang mga ugat ng puno. Ang mga ugat ng puno ang sumisipsip sa tubig sa kabundukan kapag umuulan. Napipigil nito ang pagguho ng lupa at pagbaha sa mababang lugar.
Dapat tayong makiisa sa pagpapanatiling malinis at luntian ng kapaligiran. Labanan ang polusyon sa tubig at hangin. Isipin ang mundo at ang kalagayan ng susunod na salinlahi. Iligtas natin ang ating kalikasan upang matamo ang pinapangarap na mundo sa hinaharap.
“Iligtas ang Mundo”
I. Pagpapalit –palit ng panahon
A. Sanhi – Sobrang kapabayaan ng tao sa kapaligiran.
B. Bunga – Sobra ang init ng tag-araw, bihirang ulan sa tag- ulan.
II. ________________________________
A.____________________________ B._______________________________ C._______________________________
III._________________________________ A._______________________________
B._________________________________
C._________________________________ IV.__________________________________
A._______________________________ B._________________________________ C._________________________________
V.__________________________________ A._______________________________ B._________________________________ C._________________________________
VI.__________________________________ A._______________________________ B._________________________________ C._________________________________