Kumbensiyon Tungkol sa mga karapatan ng Bata Misyon ng United Nations Children's Funf (UNICEF) na pangalagaan ang mga karapatan ng bata, tumulong na makamtan nila ang batayang mga pangangailangan, at mapalawak ang kanilang mga pagkakataon na maabot ang pinakamahusay na kakayahan. Ginagabayan ang UNICEF ng mga probisyon at prinsipyo ng Kumbensiyon Tungkol sa mga karapatan ng Bata, Itinatag ang kumbensiyon batay sa iba't ibang sistemang legal at tradisyong kultural na pinagkasunduan ng lahat na hindi malilipat o maipagbibili ang mga pamantayan at tungkulin. Dapat igalang ng pamahalaan ang mga batayang sukatang ito, tinatawag ding mga karapatang pantao, na nagtakda ng mga minimum na karapatan at kalayaan. Itinatag ang mga ito nang may paggalang sa dignidad at halaga ng bawat indibidwal, anumang lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, pinagmulan, yaman, estado ng kapanganakan, o abilidad at ibinibigay sa bawat indibidwal sa lahat ng lugar. Kasama ng mga karapatang ito ang obligasyon ng pamahalaan at mga indibidwal na huwag makialam sa katulad na mga karapatan ng iba. Kapwa nagtutulungan at hindi nakikita ang mga pamantayang ito; hindi natin matitiyak ang ilang mga karapatan kung hindi dahil sa, o pinsala sa, ibang mga karapatan. 1. Ano ang UNICEF at ang misyon nito? 2. Paano naitatag ito? 3. Ano ang obligasyon ng pamahalaan? 4. Sa iyong palagay, nakatutulong ba sa mg kabataan ang UNICEF? Ipaliwanag 5. Bakit kaya itinatag ang Kumbensiyon?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.