KORIDO KAHULUGAN KATANGIAN A. Tukuyin ang mga mahahalagang detalye ng akda batay sa Motif at cycle ng Ibong Adarna. (7 puntos) Kuwentong Scala Celi Alemanya (1812) Albanya Dinamarka Isang Libo't Isang Gabi Polinesya Malilische Marchen
May isang hari namay malubhang sakit at kailangan niya ng tubig ng buhay upang siya'y gumaling. Naglakbay ang kaniyang tatlong anak upang mahanap ang tubig ng buhay subalit dumaan sila sa paghihirap at ang nagtagumpay sa kanilang tatlo ay ang bunsong kapatid na mabait at magalang.
Alemanya (1812)
Isang hari na nagkasakit o dili kaya’y nabulag. Narinig niya (sa ibang kuwento ay napanaginipan niya) na ang lunas sa kaniyang sakit ay isang ibon, ang Phoenix, na kung ang kanta o sutsot nito ay kaniyang marinig ay sapilitan siyang gagaling sa kaniyang karamdaman. Ang tatlong anak ay sunod-sunod na nagpakahirap upang matklasan ang ibon: ngunit ang pinakabata lamang ang nagtagumpay sa pamamagitan ng isang zorra na ang hininging pinakagantimpala sa kaniyang mahalagang tulong ay ang siya’y barilin upang sa ganitong paraan ay manumbalik siya sa dating anyo – pagkato – na nawala sa kaniya dahil sa bagsik ng isang engkanto. Itong gantimpalang ito ay nakalimutang igawad ng prinsipe matapos makamatn ang nais.
Albanya
Isang hari ang may halamang kinaroroonan ng isang puno ng mansanas na ang bunga ay ginto. Ngunit tuwing mahihinog ang mga bunga ay nawawala ang isa nito. Ang tatlong anak ng hari ay isa-isang inatasang magbantay sa mansanas at ang bunso ay siyang nakakita sa ibong ginto na siya palang nagnanakaw. Binaril niya ang ibon at nalaglag ang isang bagwis. Nang Makita ito ng ama ay sinabi sa mga anak na hulihin nila ang ibon.
Dinamarka
Ang Haring Eduardo sa Inglatera ay nagkasakit, kaya’t siya’y pinagpayuhan ng matatandang babaeng marurunong sa lupaing yaon na ipahanap ang lunas sa kaniyang tatlong anak. Ang prinsipeng panganay at ang pangalawa’y hindi nagtagumpay, ngunit ang bunso ang nagdala sa ama ng ikinaginhawa nito, ang Ibong Phoenix na galling sa reyna ng Arabya.
Answers & Comments
Kuwentong Scala Celi

#Let'sStudy