Kometa
Nakakita ka na ba ng kometa? Ano ang paniniwala ng mga tao rito? Tila bituing may mahabang buntot ang kometa. Ngunit ang kometa ay hindi bituin. May sariling liwanag ang bituin, samantalang ang kometa, tulad ng buwan, ay nanghihiram lamang ng liwanag sa araw. Tulad ng daigdig, lumiligid ang kometa sa araw, ngunit ang ligiran nito ay pabilog. Ayon sa ilang siyentista, ay kometa ay malalaking tipak na bato at bakal. Kapag malapit ito sa araw, natutunaw sa init ng araw ang mga ito kaya nakikita natin ang umuusok na bahagi nito na tila buntot na papalayo sa araw. Bilyon-bilyon ang kometa sa kalawakan. Hindi natin nakikita ang iba dahil sa kanilang kaliitan at kalayuan. Hindi maaaring makita ang kometa kung araw sapagkat daig ng liwanag ng araw ang liwanag nito. May mga kometang nakikita sa tiyak na panahon. Ang iba ay hindi nakikita pang muli dahil sa kalakihan ng kanilang ligiran o dahil natunaw na ang mga ito nang lubos ng araw.
Basahin at unawain at teksto.ilista ang limang mahalagang impormasyon na makukuha mula sa teksto isulat ang sagot sa sagutang papel
pasagot po ng maayos
Answers & Comments
Answer:
1.Ang kometa ay hindi bituin.
2.Ang kometa ay nanghihiram lamang ng liwanag sa araw.
3.Lumuligid din ang kometa tulad ng daigdig ngunit ang ligiran nito ay pabilog.
4.Ang kometa ay malalaking tipak na bato at bakal.
5.Hindi natin makikita ang kometa dahil sa kalayuan at kaliitan ng mga ito.
Explanation:
yan po answer ko pa heart at pa brainliest po sana