Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Barcelona, Espanya noong 1872 hanggang 1892.[1] Sinimulan ito dahil sa pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza). Layunin ng kilusan ang kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng bansang Espanya, pantay na pagtingin sa bawat Pilipino at Kastila sa harapan ng batas, pagkakaroon ng kinatawan sa Cortes Generales ang Pilipinas, pagkakaroon ng sekularisasyon sa mga parokya ng Pilipinas, kalayaan sa pagpupulong ng matiwasay, pagpapalathala at pagsasabi ng mga pang-aabuso at ano mang anomalya sa pamahalaan. Nilalayon ng kilusang ito na humingi sa pamahalaang Kastilang mga reporma sa mapayapang pamamaraan.
Ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan[1] o mas kilala bilang Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol.
Naitatag ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892, matapos na mahuli at maipatapon si Jose Rizal na isa sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda at siya ding tagatatag ng La Liga Filipina, na kung saan miyembro rin si Andres Bonifacio. Ang La Liga ay binubuo ng mga panggitnang uri na intelektual o mga ilustrado na nagtataguyod ng mapayapang reporma. Ang paghahadlang ng rehimeng Espanyol sa La Liga ang nagpatunay kay Andres Bonifacio na walang saysay ang mapayapang reporma sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Ito ay binuo sa isang bahay sa Kalye Azcarraga (ngayon ay Abenida Claro M. Recto) sa Tondo, Maynila.
Answers & Comments
Answer: