Questions


September 2022 1 3 Report
Kaya Mo
Mungkahing bilang ng oras: 40 minuto
A. Panuto: Isulat ang iyong maaaring gawin sa mga sumusunod na sitwasyon
1.
Madalas na nagpupunta ang mga barkada ng nakatatanda mong kapatid sa inyong
bahay. Alam mong napakadelikado ng panahon ngayon dahil sa laganap na
pagkalat ng Covid-19 Virus. Paano mo iingatan ang iyong sarili at mga kasama mo
sa bahay sa ganitong pagkakataon?

2. Marami ang mga nawawalan ng mahal sa buhay dahil na rin sa dumating na
pandemya sa ating bansa at sa buong mundo. Dahil dito, takot na takot kang lumabas
ng bahay at makihalubilo sa iyong kapwa bata. Nabalitaan mo na ang isa pala sa
miyembro ng kapitbahay ninyo ay tinamaan din ng sakit na Covid 19. Ano ang iyong
gagawin upang siya ay matulungan?

3 Dahil na rin sa pandemyang nangyayari ay walang face to face na klase na nagaganap at modyul ang ginagamit sa pag-aaral. Ang kapitbahay mo ay nagkataong kaklase mo at nahihirapan siyang sagutan ang ilang aralin na nasa modyul. Isa ka sa marurunong sa klase ninyo kaya naisip niyang sa iyo magpaturo. Ano ang iyong gagawin?

4. Nagtayo ng Community Pantry sa inyong barangay. Alam mong hindi ninyo kailangang pumila doon para kumuha ng pagkain dahil hindi naman kayo kinakapos at malaki ang kinikita ng mga magulang mo. Inutusan ng Nanay mo ang kasambahay na makipila sa Community Pantry para sa pamilya. Ano ang sasabihin mo sa iyong ina?

5. Pupunta sa palengke ang iyong dalawang nakatatandang kapatid. Nakita mong nakasuot na ng face shield at face mask ang ate mo ngunit ang kuya mo ay walang anumang suot. Mahigpit na ipinagbabawal ang lumabas nang walang suot na anomang proteksyon gaya ng face shield at face mask. Pagsasabihan mo ba ang iyong kuya? Bakit?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.