Questions


May 2023 0 1 Report
Kaya mo na ba? Panuto: Basahin at unawain ang sanaysay sa ibaba.
Limang Pangangailangan
Ayon sa sikolohistang si Eric Fromm may limang pangangailangan ang tao na siyang nagsisilbing motibasyon niya sa buhay. Ito ang mga sumusunod;
Pakikipag-ugnayan - Ninanais ng bawat tao ang makipag-ugnayan sa kapwa.
Ang pakikipag- ugnayan ay may tatlong uri ayon kay Fromm. Ito ang pagsunod, pagkakaroon ng awtoridad, at pag-ibig. Kailangang sundin ang may awtoridad upang mapagtibay ang relasyon.
Ayon kay Fromm, may apat na elemento ang tunay na pag-ibig: pangangalaga, responsibilidad, respeto, at kaalaman. Mahal mo ang isang tao kung ito ay pinangangalagaan mo, inaako mo ang responsibilidad sa kanya, iginagalang mo siya, at inaalam mo ang lahat tungkol sa kanya. Sinabi rin ni Fromm na maaari mo lamang na ibigin ang isang tao kung iniibig mo ang iyong sarili at ang sangkatauhan.
Pagkakaroon ng layunin sa buhay - Ayon kay Fromm tanging tao lamang sa mga nilalang ng Diyos
ang may kakayahang magtakda ng kanyang layunin sa buhay. Ang kakayahang ito ay isa ring layunin sa buhay ng kanyang nilalang. Ang pagtakda at paggampan dito kinalaunan ay magbibigay sa tao ng kaganapan sa kanyang pagkatao.
Pagkilala sa pinanggalingang pamilya - Ayon kay Fromm kailangan ng tao na kilalanin ang pinang- galingang pamilya subalit dapat siyang maging indi- pendiyente rito balang araw. Ang matagumpay na tao anya ay natutong tumayo sa sariling paa upang matulungan ang sarili at magkaroon ng pagkakataon na tulungan ang pinaggalingang pamilya.
Pagkakaroon ng pagkakakilanlan-Kailangang magkaroon ng kamalayan ang tao hinggil sa kanyang pagiging indibidwal. Halimbawa maaaring siya ay anak ng pamosong tao. Kailangang dumating ang panahon na magkaroon siya ng sariling pagkaka- kilanlang hiwalay sa pagkakakilanlan ng pamosong ama. Nahuhubog ang pagkakakilanlan sa pandayan ng sariling tagumpay.

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.