Questions


December 2021 1 7 Report
Kaya Ko Ito
Pag nagbago ang pananaw, nagbabago ang damdamin at ugall. Pag nagbago ang pananaw, nagbabago
rin ang paraan ng pagpapasya at pagkilos. Pag nagbago ang pananaw, nagbabago kahit ang pakikitungo
mo sa kapwa, gayundin ang pagharap mo sa mga hamon ng buhay.
Sabi ng mistikong si Anthony de Mello: "Nothing has changed but my attitude, therefore, everything has
changed." Sa sandaling piliin mong magbago ang pananaw, hindi naman biglang magbabago ang hitsura
mo. O ang ugali ng ibang tao. O ang reyalidad ng buhay. Ang sitwasyon sa barangay. Ang mga isyu sa
Pilipinas. At ang mga hamon sa mundo. Andun pa rin lahat. Hindi nagbago. Ang mga problemang hatid ng
covid-19 pandemic.
Ang limitado mong pagkilos dahil sa quarantine. Ang kawalan ng pagkakakitaan. Ang nauubos na supplies.
at ang nasaid mong ipon. Ganun pa rin. Walang nagbago. Pero gamit ang positibong lente, pwedeng
magbago lahat. Ang ugali mo, ang mga pagpiling gagawin mo, ang pananalita at pakikitungo mo sa kapwa,
magbabago. Dahil pag inisa-isa mo ang pagpapala ng Diyos, andami pala. Ang maraming panahong
iningatan ka niya. Pati mga pagkakataong binigay niya para ka bumangon tuwing sumasablay ka.
Makikita mo ring hindi 'yung mga kahinaan mo ang mas matingkad. Kundi ang pagmamahal niyang walang
kupas. Kaya mas magtitiwala ka sa Diyos. 9 Gamit ang punto de bista ng Diyos, magbabago ang
pagpapahalaga mo sa sarili. Pag nilingon mo ang mga pinagdaanan mo. Pag binilang mo kung paano mo
nasurvive kahit ang imposible at mapanganib. Hindi 'yung naranasan mong hirap ang matatandaan mo
kundi 'yung abilidad mong harapin ang mga laban sa buhay. Kaya mas magtitiwala ka sa sarili mo.
Gamit ang bagong pananaw, magbabago rin ang turing mo sa mga tao sa paligid. Piliin man nilang
magbago o hindi. Matututunan mong igalang ang katotohanang sila rin, tulad mo, may sariling proseso.
May kakaibang kwento. At tulad mo rin, mga anak sila ng Diyos. Likas na mabuti. Alam man nila ito o hindi.
Kaya mas magtitiwala ka sa kapwa. Dahil sa positibong pananaw, mamamangha ka kung paanong ang mga
pangyayari sa buhay mo, malungkot man o masaya, bahagi pala ng isang proseso. Bahagi ng isang
magandang kwento. At ang karanasan mo, kunektado sa karanasan ng iba. Lahat ng nangyari noon at
nangyayari ngayon.
Makikita mong mga kabanata ng malaking kuwento ng pag-ibig na hinahabi ng Diyos. Kaya mas
magtitiwala ka sa buhay. At kahit may agam-agam o pag-aalinlangan, kaya mong pumanatag. Kaya mong
sabihin sa sarili... "Kaya ko ito.

Repleksiyon tungkol sa nasa taas.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.