Questions


August 2022 1 13 Report
11. Alin sa mga sumusunod ang katangiang dapat taglayin ng isang taong sumusulat ng editoryal?
A. mahilig pumuna
C. laging nangangatwiran
B. palabasa at mapanuri
D. palaging may pinapanigan
12. Kung ikaw ay susulat ng isang editoryal, alin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na paksa?
A. Mga kabutihang naidudulot ng pagtatanim ngayong quarantine
B. Pagdami ng mga artistang nahuhumaling sa Tiktok at Youtube
C. Talambuhay ng isang paboritong bayani sa panahon ng Amerikano
D. Pagpapalit ng Speaker of the House sa Kongreso habang humaharap sa pandemya ang
bansa
13. Ano ang pahayag na nagpapakita ng opinyon tungkol sa isang napapanahong paksa?
A. Higit 110 milyong ang kabuuang bilang ng populasyon ng Pilipinas.
B. Hindi sapat ang pondo ng pamahalaan upang makapagbigay ng tulong sa lahat ng sektor
ng lipunan.
C. Si Secretary Fracisco Duque III ang kasalukuyang kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan.
D. Sinisimulan na ang pagbibigay ng ikalawang bahagi ng Bayanihan Act na layuning
tulungan ang mga kababayan natin sa pagbangon sa pandemya.
14. Anong panandang salita ang maaaring gamitin kung ang binabanggit na impormasyon ay mula
sa ibang tao o grupo ng tao?
A. Ayon sa/kay B. Ukol sa/kay
C. Dahil sa/kay D. Sa pamamagitan ng
15. Anong salita ang nagpapahiwatig ng iyong sariling opinyon o kuro-kuro sa isang paksa?
A. Sa palagay ko B. Kung iisipin C. Sa pangkalahatan D. Bilang pagtatapos
16. Anong salita ang maaaring gamitin sa pagpapahayag ng pagsang-ayon sa isang isyu o paksa?
A. Tunay
B. Kung kaya
C. Samantala
D. Sa isang banda
17. Sa pagsulat ng editoryal, ano ang angkop na salita sa pag-uugnay ng mga talata?
A. Ngunit
B. Samantala
C. Subalit
D. Sa kabuuan
18. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng kahalagahan ng paggamit ng tamang impormasyon sa
pagsulat ng editoryal?
A. Mabisang nahihikayat ang mga mambabasa na sumang-ayon sa opinyon ng editor
B. Nakabubuo ng bagong mga impormasyon na magagamit sa pagpapaliwanag ng paksa.
C. Napapaniwala ka sa sinasabi ng artikulo kahit ра wala itong katotohanan.
D. Natutukoy ang mga pahayag na hindi na dapat basahin sa hindi bigyang-halaga.
19. Alin sa mga sumusunod na nagsasaad ng katotohanan sa panimula at wakas ng editoryal?
A. Higit na mahalaga ang panimula dahil una itong binabasa
B. Parehong mahalaga ang panimula at wakas ng editoryal.
C. Maaaring ang wakas ng editoryal na lamang basahin upang maunawaan ang paksa,
D. Laktawan na ang pagbasa ng panimula at basahin na lamang ang detalye at wakas ng
editoryal​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.