Questions


August 2022 1 5 Report


mo sa bahay. Isalaysay itong muli at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang

iyong sagot sa sagutang papel.

Namulat si Kenneth

ni Marina C. Pajar

Si Kenneth dela Cruz ay nag-iisang anak ng mayamang mag-asawa. Sila ay

nakatira sa isang magarbong mansyon na napapaligiran ng iba’t ibang punongkahoy

at mga halamang ornamental. Marami din silang paupahang apartment sa iba’t ibang

lugar ng kanilang bayan. Isa namang simpleng maybahay ang kaniyang ina, hindi na

nito kailangang magtrabaho sa dami ng kanilang perang tinatanggap buwan- buwan.

Sa palagay ni Kenneth ay hindi na niya kailangang mag-aral pa. Kampante na

siya na hindi sila maghihirap dahil sa laki ng perang tinatanggap nila mula sa upa ng

kanilang mga apartment. Alam niyang hindi siya mamumulubi hanggang sa pagtanda

niya. Kaya naman wala na talaga sa kaniyang isipan ang mag-aral pa.

“Mommy, hindi ko na kailangang mag-aral pa sa dami ng pera natin siguradong

matutustusan natin ang lahat ng ating pangangailangan. Di ko na kailangang

magtrabaho pa, mabubuhay na ako sa upa pa lang ng apartment natin,” ang palaging

katwiran ni Kenneth sa tuwing pinapagalitan siya ng kaniyang ina kapag lumiliban

Aralin

5

Pagsasalaysay ng Napakinggang Teksto

Pagsusuri ng Opinyon/ Katotohanan

Mga Salitang Magkakasalungat at

Magkakasingkahulugan

Mga Inaasahan

siya sa klase. Pati na rin ang kaniyang guro ay nag-aalala sa kaniya dahil sa madalas

na hindi pagpasok nito sa paaralan. Halos tatlong beses sa isang linggo ay binibisita

siya ng kaniyang guro upang kumustahin at hikayating pumasok sa klase.

Muli ay kinausap siya ng kaniyang ina. “Kenneth, anak, kailangan mo pa ring

mag-aral at makapagtapos ng kursong nais mo. Mas mahalaga pa rin ang may pinag-

aralan, dahil ito lamang ang yaman na hindi nawawala at nananakaw,” ang paliwanag

ng kaniyang ina. Ngunit talagang napakatamad niyang mag-aral mas gusto pa niya

ang maglaro ng kompyuter at mamamasyal kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Pagdating sa lakaran talagang napakasipag niya.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkasakit nang malubha ang kaniyang

ama, halos anim na buwan din itong nanatili sa ospital. Ayon sa doktor ay malala na

pala ang sakit nito sa baga. Sa laki ng kanilang babayaran sa ospital ay napilitan

silang ibenta ang kanilang mga apartment. Wala na rin silang mapagkunan ng pera

para sa mga gamot na kailangan ng kaniyang ama. Hanggang sa nagdesisyon ang

kaniyang ina na ibenta na rin ang kanilang mansyon. Bumili na lamang sila ng isang

maliit na bahay at nagtayo ng isang maliit na karinderya sa harap nito upang may

maipangtustos sa gamot ng kaniyang ama.

Nagpasya na rin siyang pumasok sa pampublikong paaralan upang ipagpatuloy

ang kaniyang pag-aaral. Naranasan niyang maglakad papasok sa paaralan upang

makatipid. Hindi kagaya ng dati na inihahatid pa siya ng kanilang drayber. “Kung

hindi sana ako nagloko sa aking pag-aaral, siguro ay isa na akong doktor ngayon. Ako

na sana ang manggagamot kay Daddy,” ang wika niya sa sarili. Labis niyang

pinanghinayangan ang lumipas na panahon subalit wala naman na siyang magagawa.

Magsisi man siya ay hindi na niya maibabalik ang nasayang na panahon.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin at isulat ang letra

ng wastong sagot.

1. Masasabing simple lamang ang pamumuhay ng pamilya Dela Cruz kahit na sila

ay nakatira sa isang magarbo at magarang mansyon na napaliligiran ng

maraming punongkahoy at iilang mga halamang ornamental.

Ano-ano ang salitang magkasalungat sa pangungusap?

A. mansyon-tahanan; puno-halaman C. pamilya-mag-anak; paligid-buhay

B. simple-magarbo; marami-iilan D. magarbo-magara; simple-payak

2. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkasakit nang malubha ang kaniyang

ama. Malala na pala ang sakit nito sa baga bago nila natuklasan. Kaya lahat

sila ay nabigla sa kanilang nalaman.

Ano-ano ang salitang magkasingkahulugan sa mga pangungusap?

A. sakit-baga; nalaman-nabatid C. masakit-malala; malubha-grabe

B. natuklasan-nalaman; Malala-malubha D. bago-luma; inaasahan-bigla

3. Nagkasakit nang malubha ang ama ni Kenneth kaya naibenta ang kanilang

mansyon at apartment. Ang pahayag na ito ay isang__________________.

A. opinyon B. katotohanan C. hula D. sabi- sabi

4-5. Muling isalaysay sa pamamagitan ng dalawang pangungusap ang naging

pasya ni Kenneth simula ng magkasakit ang kanyang ama.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.