Katatapos pa lang ng bagyong Quinta. Nagkalat ang
mga naputol na sanga at iba't-ibang basura dala ng bagyo
na may kasamang pagbaha. Napakadumi ng kalsada ng
baranggay Nagkakaisa.
Pinangunahan ni Ginoong Remus, konsehal ng
nasabing baranggay ang paglilinis ng kalsada. Nagsitulong
na din ang mga magkakapit-bahay na linisin ito. Tuwang-
tuwa ang konsehal pati na rin ang mga magkakapit-bahay
sa maagang paglilinis ng nasabing kalsada.
Mga Gabay na Tanong
1. Ano sa palagay mo ang magandang kaugaliang taglay ng
mga magkakapitbahay sa baranggay Nagkakaisa?
2. Ano ang inaasahan mong mararamdaman ng konsehal sa
tinurang iyon ng kanyang mga ka-baranggay?
3. Gaano ba kahalaga ang pagtutulungan para sa
pagpapanatiling malinis at tahimik ng mga mamamayan?
Answers & Comments
Answer:
1. pagiging matulungin (bayanihan)
2. masisiyahan sapagkat nagkaroon ng pagkakaisa para sa kapakanan ng barangay
3. subrang mahalaga dahil ang pagtutulungan ay isa sa mga paraan upang umunlad at magkaroon ng kapayapaan ang isang kumunidad na binubuo ng mga mamamayan.
Explanation: