Si Whang-od Oggay (Pagbigkas ng unang pangalan: [ˈɸɐŋ.ˈʔɘd] ipinanganak noong Pebrero 17, 1917), na kilala rin bilang Maria Oggay, ay isang Pilipinang mambabatok mula sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga, Pilipinas. Madalas siyang inilalarawan bilang ang "huling" at pinakamatandang mambabatok (tradisyonal na tatuador na taga-Kalinga) at bahagi ng mga Butbut ng mas malaking pangkat etniko ng Kalinga.
Nambabatok siya ng mga mampupugot-ulo at kababaihan ng mga katutubong tao ng Butbut sa Buscalan, Kalinga, mula noong 15 taong gulang siya, ngunit wala na ang mga mandirigma ng Butbut na dating umiipon ng tattoo sa pagpoprotekta sa mga nayon o pagpatay sa mga kaaway. Sa kabila nito, patuloy na inilalapat ni Whang-od ang kanyang tradisyonal na sining sa mga turistang bumibisita sa Buscalan.
Iginawad ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) kay Whang-od ang prestihiyosong Dangal ng Haraya Award sa Tabuk, ang kabisera ng Kalinga, ang etnikong lalawigan ni Whang-od, sa 2018. Hinirang siya para sa Gawad Manlilikha ng Bayan noong 2017. Pinoproseso pa rin ng NCCA ang kanyang nominasyon.
Answers & Comments
Answer:

Hope it helps,
Godbless
Pa brainlliest need ko lang talaga