Ang KUWENTONG-BAYAN O folklore ay mga kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar. Kadalasan, ito ay nagpapakita ng katutubong kulay (local color) tulad ng pagbabanggit ng mga bagay, lugar, hayop, o pangyayari na doon lamang sa isang partikular na lugar nakikita o nangyayari. Masasalamin sa mga kuwentong-bavan ang kultura ng bayan na pinagmulan nito.
ALAMAT
Ang ALAMAT ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa
tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Ang salitang alamat ay
panumbas sa salitang Legend sa Ingles.
MITO
Ang MITO (myth) ay isang kuwentong nagpasalin-salin na sa dila mula sa katutubo hanggang
sa kasalukuyan. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay
ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa, kung paano nagkaroon ng
hangin o mga karagatan. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego ay ang mga
diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba pa.
MAIKLING KWENTO
Ang Maikling Kuwento (short story) ay anyo ng panitikan na nagsasaad ng isang buong kuwento na
kayang tapusing basahin sa isang upuan lamang. Ito ay sinusulat upang magdulot ng aliw sa mga
mambabasa at magturo ng mga aral sa buhay. Ito ay may iilang tauhan lamang at umiikot sa iisang
Answers & Comments
KWENTONG BAYAN

paksa.