Naitalaga si Apolinario Mabini bilang isa lamang sa mga nakabababang tauhan sa panteon ng ating mga bayani. Hindi siya isang larawang may mga tiyak na birtud, kaya naman wala tayong kakayahang italaga siya sa estadong ikoniko na tutugon sa pangangailangan natin para sa isang di-matatawarang bayani.
Kompara sa kaniyang mga kasabayan, pinangingibabawan ang kaniyang personal at propesyonal na buhay ng kung ano ang hindi siya. Hindi siya tulad ni Emilio Aguinaldo—na ginabayan niya sa pagbubuo ng republika—na isang opisyal mula sa probinsiya na naging sundalo at pinamunuan ang pakikipaglaban para sa kalayaan samantalang nakakabayo. Hindi siya tulad ni Andres Bonifacio—na hindi sinang-ayunan ni Mabini ang naging pagbitay at pamamaraan kung paano iyon isinakatuparan—na isang karaniwan at makabayang tao na gumising sa kabesera.
Pinakamalapit na marahil ang pagkokompara na maaaring gawin kay Mabini kay José Rizal—ang pangunahing manunulat ng bansa, ang mismong sagisag ng sakripisyo sa ngalan ng kalayaan at mga kababayan. Pareho silang arál, at kapwa nagsikap na marating ang lampas sa hanggahan ng mapang-uyam na indio. Parehong ilustrado sina Rizal at Mabini na kinuha ang makukuha mula sa marurunong na Europeo at isinalin ang pilosopiya niyon sa kanilang protesta laban sa pamumunong banyaga.
Subalit nagmula si Rizal sa maykaya sa probinsiya, at naging bahagi ng pagbabagong liberal sa Europa; isa namang intelektuwal mula sa loob ng bayan si Mabini na sadyang uring karaniwan, at inilubog niya ang sarili sa galaw ng politika at pamahalaang Pilipino mula sa loob. Kapwa sila marubdob na alagad ng lohika, katwiran, pag-iisip na malaya, at etika; kapwa nila ipinahayag ang kanilang paniniwala na kailangang pahalagahan nang higit sa anumang bagay ang dangal ng tao at ang ahensiya ng indibidwal. Sinasalamin ng kanilang mga akda ang pilosopiyang ito—subalit samantalang pinadaloy ni Rizal ang kaniyang mga paniniwala sa panitikan at agham, ginamit naman iyon ni Mabini upang ialay ang sarili sa teoryang legal at politikal, at kung paano mailalapat ang mga iyon sa pamamahala.
Answers & Comments
Answer:
Opo kasama po siya
correct me if im wrong =)

Explanation:
sana Po makatulong