Questions


August 2022 1 0 Report
Karapatan Mo, Igagalang Ko


Pag-uwi ni Miguel mula sa paaralan, naabutan niya na nag-aaral ang kanyang ate. Tahimik siyang pumasok ng silid upang magpalit ng damit na pambahay.


Paglabas niya ng silid, nakita siya ng kanyang bunsong kapatid. “Kuya Miguel, laro tayo! “ ang sigaw nito.


“Sshh, huwag kang maingay. Nag-aaral si Ate, “ ang bulong ni Miguel sa kapatid.


“Basta, laro tayo! Ang pilit ng kapatid.


“Sige, doon tayo sa labas. Hindi tayo maaaring mag-ingay rito at nag-aaral si Ate,” ang paliwanag ni Miguel.


“Alam mo, Bunso, kapag nag-aaral si Ate o sinuman sa atin, hindi sila dapat aabalahin. Kailangan nila ng tahimik na lugar para maibuhos nila ang kanilang atensyon sa pag-aaral,” ang dagdag na paliwanag pa ni Miguel.


“Narinig pala ng nanay nila ang kanilang usapan. “Tama si Kuya Miguel, Bunso. At saka alalahanin ninyo na ang ate ninyo ay isa sa mga kasali sa panrehiyong paligsahan sa Search for Outstanding Reader.


“Ako rin pala ay may takdang- araling dapat sagutan sa tatlong asignatura. Kailangan ko nang gawin upang matapos ko lahat,” ang sabi ni Miguel.


“Ikaw, Bunso, huwag mong sabihing wala kang takdang-aralin ngayon? Ang tanong ni Nanay.


“Mayroon po pala. Kailangan ko pong maghanap ng mga larawan ng mga magagandang lugar sa ating bansa,” ang sagot ng Bunso.


“Dapat mo munang unahin ito bago ang paglalaro. Habang nag-aaral kayo, wala munang telebisyon, ha?” ang paalala ng nanay nila.


“Opo,Nanay. Sorry po. Gagawin ko po muna ang aking mga aralin,” ang sagot ni Bunso.


Habang nag-aaral sina Ate Miguel at Bunso, si Nanay naman ay naghahanda ng hapunan.


1.Ano ang ginawa ni Miguel matapos niyang madatnang nag-aaral ang kaniyang ate?


2.Ito ba ay maituturing na paraan ng pagrespeto sa kaniyang ate? Bakit?


3.Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Miguel? Ipaliwanag.


4.Sa iyong palagay, anong karapatan ng kaniyang ate ang isinaalang-alang ni Miguel?


5.Nararapat bang isaalang ang karapatan ng bawat tao gaya ng ipinakita ni Miguel? Ipaliwanag.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.