Fokus

Makatutulong sa iyo ang Activity Sheet na ito upang ikaw ay masanay sa mga sumusunod:
1. Nabibigyang kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa usapang napakinggan
2. Nasusuri ang katangian ng tauhan batay sa kaniyang kilos, gawi at karakter
Inabel

Alamat- ito ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.


A. Panuto: Mula sa sumusunod na mga pahayag sa mga sipi ng alamat, suriin ang katangian ng tauhan batay sa kanyang kilos, gawi at karakter. Piliin at itala ang inyong mga sagot sa loob ng talahanayan.

1. "Wag kayong lumapit sa akin! Hindi ko kayo kailangan! Layas!" Dahil dito, nilayuan tuloy siya ng lahat ng gulay sa bayan ng sariwa.

2. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin.
3. "Oo nga. Nang minsang madaanan ko at batiin ay biglang nagtago sa loob ng bahay,"
4. "Hindi panaginip ang nakita mo, mahal ko. Ako yon na nagpakita sa iyo mula sa alapaap sa ibabaw ng dagat!"
5. "Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga kulisap. Kaya kami ay pakaunti nang pakaunti.

Alamat
Katangian/karakter ng tauhan
( mahiyain, mapagmahal, matulungin, mayabang, matatakutin )
1. Ampalaya
2. Lansones
3. Makahiya
4. Bahag-hari
5. Alitaptap

B. Panuto: Basahin at unawain ang maikling alamat.

Alamat ng Ahas
Bago pa man gumagapang ang mga ahas ay dati na silang may mga paa. Tulad ng iba pang mga hayop, ang mga ahas ay may apat na paa na kanilang ginagamit upang makalakad.

Sa gubat, tinuruan ng isang guro ang mga magkakaibigang kobra, sawa at dahong palay ng pagtatanggol sa sarili. Ang mga ito ay tinuruan ng guro sapagkat napansin nito na ang mga ahas ay maliliit at palagi silang kinakawawa ng mga mas malalaking hayop.

Matapos ang kanilang pag-aaral, natuto nga ang mga ahas ng kakayahang ipagtanggol ang sarili. Mahigpit na ipinagbilin ng guro sa mga ito na wag gamitin ang natutunang kakayahan sa paghahambog lamang. Ito ay gagamitin lang nila kung kinakailangan at sa mabuting layunin lamang.

Ngunit dahil sa bagong natutunan, naging mataas ang tingin ng mga ito sa sarili. Saan man sila magpunta ay pinagyayabang nila na itinuro sa kanila ng guro ang kakayahan na ipagtanggol ang sarili maski mas malaki pa ang kalaban.

Isang araw, ang mga ahas ay nagkatuwaan at nagpustahan kung sino sa kanila ang pinakamagaling. Nagpatagisang gilas silang tatlo. Dahil dito, ang lahat ng mga hayop sa gubat ay nagkagulo. Sumakit ang katawan ni Leon ng pilipitin ni kobra. Iika-ika si elepante matapos sipa-sipain ni sawa ang kanyang mga binti. Si matsing naman ay napagod at hinihingal sa katatakbo upang maiwasan ang mga suntok ni dahong palay.

Narinig ng guro ang ginawa ng mga tinuruan niyang ahas. Napa-iling ito at nag-isip kung paano niya tuturuan ng leksiyon ang mga hambog at malilikot na hayop. Matapos mag-isip ay hinanap niya ang mga ahas.

Nang makita ng guro ang mga ahas, ito ay nagdasal. Napatulog niya ang mga ito. Itinali niya at inipit ang mga paa ng malilikot na ahas at pinutol ang mga ito.

Nagising ang tatlo at nakita ang putol nilang mga paa. Nasa tabi nila ang kanilang guro. Pinaunawa ng guro na kaya niya pinutol ang mga paa nito ay dahil sa naging hambog ang mga ito dahil sa panibagong natutunan. Pinagsabihan niya ang mga ahas na simula noon ay wala na silang paa at gagapang na lamang sila para makalakad. Hindi na rin nila magagamit ang kakayahan sa pagtatanggol dahil hindi sila karapat-dapat para dito.

Simula noon ay gumagapang na lang ang mga ahas. Dahil hindi na rin nila magamit ang kakayanan ng pagtatanggol at sa hiyang dinulot ng pagkakaputol ng paa, sila ngayon ay naging mailap sa ibang mga hayop. Nagtatago sila at nag-aantay ng tamang pagkakataon upang umatake sa kanilang biktima.

Mga tanong:

1. Sa ikaanim na talata anong karakter ng guro ang kanyang ipinamalas?
a. disiplinado b. mapang-unawa c. marahas

2. Ang dahilan ng ginawang pagputol ng guro sa mga paa ng ahas ay
a. naiinggit siya b. turuan sila ng leksiyon c. masyadong mahaba

3. Dahil sa pagkakaputol ng kanilang mga paa ang mga ahas ay__
a. naging mailap sa tao b. naging matapang c. naging mabait

4. Ang mga ahas ay naging ____ matapos na matutunang ipatanggol ang kanilang sarili.
a. mahiyain b. mayabang c. matulungin

5. Ang pagpupustahan ng mga hayop sa gubat ay upang
a. Malaman kung sino ang pinakamagaling
b. Magkasiyahan lamang sila
c. Makuha nila ang tiwala ng kanilang guro
Lingap
(Gawaing Pasulat # 1)

Panuto: Suriin ang mga tauhan sa alamat. Batay sa mga detalye at pangyayaring nakapaloob sa alamat, bumuo ng Character profile.

Tauhan Katangian/karakter Kakayahan






(Paggampan # 1)

ALAMAT KO…KUWENTO KO:
Bumuo ng sariling alamat kung saan ay sumasalamin ng inyong sariling pagkatao.Isasaalang-alang ang kilos​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.