1.       “ Ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito.”, ayon ito kay Santo Tomas de Aquino. Ano ang ibig sabihin dito ni Santo Tomas de Aquino?
A.      Malaya ang tao kung nagagawa niya ang lahat ng gusto niya.
B.      Ang tao ang nagtatakda ng kilos para sa kaniyang sarili.
C.      Tunay na Malaya ang tao kung walang mga sakit at pumipigil.
D.      Isa sa mga katangian ng tao ay magawa ang anumang naisin niya.
 

2.       “Ano mang ginawa mo ay pananagutan mo”. Ano ngayon ang kakambal ng Kalayaan kung susundin mo ang pananalitang ito?
A.      Pagmamahal       B. Pag-unawa                C. Responsibilidad       D. Kalooban
 

3.       Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig ng tunay na Kalayaan?
A.      Pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ngayong may pandemya.
B.      Paglalro ng Mobile Legend anumang oras naisin.
C.      Pag-alis ng bahay kahit hindi pinapayagan ng mga magulang.
D.      Hindi pagsusuot ng facemask sa pampublikong lugar.
 

4.       Ang dignidad ay galling sa salitang Latin na “dignitas”, mula sa “dignus, na ang ibig sabihin ay “karapat-dapat”. Ayon kaninong kahulugan ito?
A.      Ancient Stoic Tradition            C. Western Philosophy
B.      Etimolohiya                             D. Relihiyon
 
5.       Ang mga sumusunod ay uri ng dignidad, maliban sa isa. Dignity of ______________
A.      Merit           B. Identity       C. Loyalty        D. Sature
                    
6.       Ang dignidad ay mayroong limang prinsipyo, ito ay ang prinsipyo ng paggalang, prinsipyo ng ______________ , prinsipyo ng katapatan, prinsipyo ng kabutihang panlahat, at prinsipyo ng mabuting kalooban. Ano ang nawawalang prinsipyo?
A.      Katotohanan       B. Kapayapaan                     C. Karunungan                     D. Katarungan
 
7.       Alin sa mga sumusunod na uri ng dignidad na kung saan nakatali ito patungkol sa pagrespeto sa  sarili at nakadepende sap ag-uugali ng bawat isa. Dignity of __________________ .
A.      Menschenwurde                    B. Merit           C. Identity       D. Stature
 
8.       Ano ang maaaring mangyari kung sinusunod mo ang prinsipyo ng mabuting kalooban?
A.      Ikaw ay magugustuhan ng lahat at magiging isang mabuting tao.
B.      Magagalit sa iyo ang mga taong gumagawa ng masama.
C.      Masyado kang mapapagod dahil kailangan lahat pagbigyan mo.
D.      Walang maaaring mangyari sa iyo at tatahimik ang buhay mo.
 
9.       Labis na mahiyain ang bunso mong kapatid, may kapansanan siya sa pagsasalita, paulit-ulit o utal kung magsalita at dahil dito palagi siyang walang imik at nasa isang sulok lang habang mag-isang naglalaro. Palagi siyang pinagkakaisahan ng iba mo pang kapatid at kung minsan binubulas dahil naniniwala silang nakakahiya ang kanyang sitwasyon/kapansanan, wala rin siyang lakas na makipagsabayan sa kanyang mga kapatid. Ikaw ang nakatatandang kapatid. Palaging wala ang mga magulang ninyo dahil sa paghahanap-buhay. Anong prinsipyo ng dignidad ang winawalang halaga ng iyong mga kapatid? Prinsipyo ng __________________ .
A.      mabuting kalooban            B. paggalang        C. katapatan                     D. kabutihang panlahat
 
 
 
10.   Balikan ang sitwasyon sa bilang 26, Ano kaya ang  naging dahilan at naging walang imik at mababa ang pagtingin ng bunso mong kapatid sa kanyang sarili?
A.      Kapansanan       B. Pambubulas                     C. Pagiging bunso          D. walang imik
 
11.   Kung isa ka sa mga kapatid makikisabay ka rin bas a pambubulas sa iyong bunsong kapatid dahil sa kaniyang kapansanan?
A.      Opo, dahil baka magalit ang iba ko pang kapatid.
B.      Opo, dahil nakakatuwa ang bunso naming kapatid.
C.      Hindi po, dahil pagwawalang halaga ito sa kaniya bilang tao.
D.      Hindi po, dahil baka ako naman ang isunod na bulasin
 
12.   Muling balikan ang sitwasyon sa bilang 26, Kung ikaw ang nakatatandang kapatid, ano ang iyong gagawin?
A.      Hahayaan ko ang aking mga kapatid sa mga ginagawa nila, dahil nagkakasayahan sila.
B.      Kakausapin at pagsasabihan ko ang aking mga kapatid hinggil sa mga ginagawa nila.
C.      Makikisabay ako sa pambubulas aking bunsong kapatid dahil nakakatuwa.
D.      Pagagalitan at papaluin ang mga kapatid na nambubulas sa bunsong kapatid.
 
13.   Paano mo matutulungan ang bunso mong kapatid upang mapataas ang pagtingin niya sa kaniyang sarili sa kabila ng kanyang kapansanan kung babalikan mo ang sitwasyon sa bilang 26?
A.      Paulit-ulit na malakas na pagsasalitain ang kapatid hanggang maging tuwid ang pagsasalita niya.
B.      Papaliwanagan ang kapatid hinggil sa sitwasyon niya hanggang malampasan ito.
C.      Hahayaan ang mga magulang na siyang kumausap sa bunsong kapatid.
D.      Palaging pagagalitan upang matuto at maging tuwid ang pagsasalita.
 
                           

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.