Kalusugan, Ingatan
I
Kumain ng prutas at gulay,
na masustansiyang tunay.
Katawan ay lalakas at titibay,
hahaba pa ang buhay .
II
Iwasang maging abuso,
sa katawang yaman mo.
Laging mag-ehersisyo,
na kailangang husto.
III
Maging malinis sa sarili,
upang pagiging malusog manatili,
Tandaang ang magkasakit ay ‘di nakawiwili,
kaya sa katawa’y maging mabuti..
IV
Katawan ay pangalagaan,
upang mapuno ng kasiglahan.
Anumang sakit ay iwasan.
Kalusugan, ingatan!
1. Ano ang paksa ng tula?
2. Bakit mahalagang ingatan ang kalusugan?
3. Ayon sa tula, paano maiingatan ang kalusugan?
4. Paano mo binigkas ang tula? Katulad din ba ito ng pagbigkas ng iyong
magulang o kapatid?
5. Ano ang isinaalang-alang mo sa pagbasa o pagbigkas ng tula?
6. Bakit mahalaga sa pagbigkas ng tula ang wastong tono, diin, antala,
at damdamin?
Answers & Comments
Answer:
1. Kumain ng masustansiyang pagkain
2. Mahalagang ingatan natin ito upang hindi tayu magkasakit.
3. Maiingatan matin any eating kalusugan sa pamamagitan ng pagkain ng masustasiyang pagkain.Sabayan din matin Ito ng pageehersisyo at maging malinis sa sarili.
4. Hindi, dahil iba ang tuno ng tula, sa pagbigkas ng asking kapatid at asking magulang.
5. Isinaalang-slang ko ang aking ta ma ng pagbigkas at ang tuno dito.
6.para mas mintindihan natin Ito at para malaman kung ano ang damdaming ipinaparating sa bumabasa ng tula.