Questions


October 2022 1 6 Report
o Gawain Bilang 3. Basahin ang talata tungkol sa kalamansi. Ipakita ang natutuhan mo tungkol dito sa tulong ng mapa sa susunod na pahina. Ang kalamansi'y sinasabing nanggaling sa bansang Tsina bilang isang antas ng hibrido mula sa isang maasim, angat ang balat na mandarin. Sa kalaunan, ito'y kumalat na at naging malawak ang taniman sa Silangan, lalo na sa Indonesia at Pilipinas. Sa Pilipinas, tinatawag itong kalamodin o kalamonding, limonsito, sintonis, aldonisis, kalamansi, dalandan, dalanghita at dayap. Paborito ito ng mga Pilipino dahil sa maasim nitong katas. Ito'y komersyal na pinoproseso bilang de-boteng konsentrasyon at katas. Ginagawa itong marmelada o prineserba sa arnibal. Ginagamit ito sa paggawa ng buong chutney at bilang panangkap na pampasarap sa mga lutuing pagkaing- dagat at karne. Ang katas nito'y nagagamit na pang-alis ng mantsa, pang-alis ng amoy at dumi ng katawan ng tao, pampaputi ng balat, shampoo, at panggamot sa pangangati ng balat. Gamot din ito sa ubo, pang-alis ng pamamaga, pampurga, at pampalabas ng plema kapag inihalo sa paminta. Ang ugat naman nito ay gamut sa bagong panganak, ang langis mula sa dahon ay gamot sa kabag. Ang nectar nito ay ginagawang puloy ng mga bubuyog. Ito ay nagtataglay ng tubig, protina, taba, carbohydrate, at abo. Ang kalamansi ay punong-puno ng bitamina C. http://www.darfu4b.da.gov.ph/pdffilesdata/kalamansi.pdf Ngayon ay nalaman mo na kung ano ang kalamansi. Maaari na nating simulan ang pagsagot sa isang gawain.

pa answer naman po​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.