Answer:
+++DISIPLINA ANG KAILANGAN+++
Sadyang malaki na yaring pinag-iba,
Ng Pag-uugali ating mga bata;
Ang dating magalang ngayon ay hindi na,
Ang batang masipag ngayo'y iilan na.
Bibihira na rin itong nagmamano,
Tunay na paggalang sa lola at lolo;
Ang may "Po" at "Opo" nawala na rin po,
Kahit na parating uliting ituro.
Malaki talaga naging kaibahan,
Sa mga ugali nitong kabataan;
Kaya nga magulang lagi n'yong tandaan,
Subaybayan sila, huwag niyong kalimutan.
Minsan ay tayo rin ang dapat sisihin,
Nalimot na natin ang ating tungkulin;
Yaring pamamalo'y nawala sa atin,
Kahit magkamali'y 'di disiplinahin.
Wala na ang oras na ibinibigay,
Wala ng panahon ng pagtalastasan;
Ano man ang gawi ay hinahayaan,
Dahil sa abala lagi ang magulang.
Ituro sa bata ang dapat lakaran,
Hanggang sa paglaki'y 'di malilimutan;
Kalakip pa nito sama-samang pag-aaral,
Ng Salita ng Dios sa ating tahanan.
Kailangan natin yaring disiplina,
Una na sa ating mga ama't ina;
Upang anak natin ay madisiplina,
Ang mabuting gawi sa atin makita.
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments
Answer:
+++DISIPLINA ANG KAILANGAN+++
Sadyang malaki na yaring pinag-iba,
Ng Pag-uugali ating mga bata;
Ang dating magalang ngayon ay hindi na,
Ang batang masipag ngayo'y iilan na.
Bibihira na rin itong nagmamano,
Tunay na paggalang sa lola at lolo;
Ang may "Po" at "Opo" nawala na rin po,
Kahit na parating uliting ituro.
Malaki talaga naging kaibahan,
Sa mga ugali nitong kabataan;
Kaya nga magulang lagi n'yong tandaan,
Subaybayan sila, huwag niyong kalimutan.
Minsan ay tayo rin ang dapat sisihin,
Nalimot na natin ang ating tungkulin;
Yaring pamamalo'y nawala sa atin,
Kahit magkamali'y 'di disiplinahin.
Wala na ang oras na ibinibigay,
Wala ng panahon ng pagtalastasan;
Ano man ang gawi ay hinahayaan,
Dahil sa abala lagi ang magulang.
Ituro sa bata ang dapat lakaran,
Hanggang sa paglaki'y 'di malilimutan;
Kalakip pa nito sama-samang pag-aaral,
Ng Salita ng Dios sa ating tahanan.
Kailangan natin yaring disiplina,
Una na sa ating mga ama't ina;
Upang anak natin ay madisiplina,
Ang mabuting gawi sa atin makita.