Ang katarungan ay inilarawan ni Dr. Manuel Dy Jr. bilang: (1.) isang paraan ng pagbibigay sa kapwa ng nararapat para sa kanya. Pagpapakita ng katarungan ang pagkakaloob sa tao ng kung ano ang nararapat para sa kanya tulad ng pantay na pagtingin sa kanya, paggalang sa kanyang mga karapatan at ari - arian, at patas na oportunidad sa lahat ng bagay. Bukod dito, ang pagkakaloob sa taong ito ng kalayaang makapagpahayag ng kanyang saloobin at kuro kuro ng hindi pinahihinto o inaantala. At pagbibigay kalayaan sa pagkilos sa kabila ng pagkakaiba iba ng pagkatao at kagustuhan. (2.) naaayon sa pagkatao ng isang tao. Ang katarungan din ay naaayon sa pagkatao ng isang tao. May mga indibidwal na hindi nagiging makatarungan sa iba sapagkat wala silang pakialam sa iba. Ang tanging nais nila ay ang maging masaya sa kanilang sariling mundo at pamamaraan. Ang mga taong ito ay karaniwang nabubuhay ng mag isa at hindi bukas ang isipan sa opinyon ng iba. Madalas ay tanging ang sarili lamang ang pinakikinggan at hindi naniniwala at nagtitiwala kaninoman. Kaya naman mahirap para sa kanila ang maging makatarungan para sa iba at bigyang katwiran ang opinyon ng ibang tao lalo na kung ang taong ito ay may mas malawak na karanasan sa mga bagay bagay.
Answers & Comments
Verified answer
Katarungan