Ang kahulugan ng diwa'y lumilipad ay naglalakbay ang isip sa kung saan maaaring nangangarap ng gising o nag iisip ng mga bagay na malayong mangyari. May ilan na nagsasabi na kapag lumilipad ang kanilang diwa ay tila nawawala sila sa sarili ngunit ito ay pansamantala lamang sapagkat makaraan ay bumabalik din sila sa ulirat sa tuwing gugulatin ng kausap o gigisingin sa pangangarap ng gising. May pagkakataon din na ang tao ay lumilipad ang diwa kapag ang isip niya ay puno ng mga problema. Hindi gumagana ng maayos ang kanyang pag iisip at kadalasan ay lutang siya sa mga pangyayari. Kapag kulang din sa sapat na tulog at pahinga ay lumilipad ang diwa ng isang tao. Nawawala siya sa pokus at madalas ay mali mali sa kanyang mga ginagawa. Ang karaniwang nakakaranas ng ganitong kondisyon ay ang mga estudyante. Kadalasan, sa dami ng kanilang kailangan tapusin ay lumilipad na ang isip nila at hindi na sila makatugon ng maayos sa kanilang mga guro at kamag - aral. Bumabagsak ang kanilang katawan at pati ang diwa nila ay lumilipad dala ng matinding pagod.
Halimbawa:
Diwa'y lumilipad sa kanyang mga narinig kaya naman nagtatakbo si Sisa palayo sa kumbento.
Hinawakan ni Maria ang kamay ni Isabel pagtawid ng kalsada sapagkat ang diwa nito'y tila lumilipad pa.
Answers & Comments
Verified answer
Diwa'y Lumilipad
Kahulugan: