1.Ang Islam ay ang Relihiyong pinili ni Allah para sa lahat ng tao. Ito ay naaangkop sa bawat panahon at lugar.
2. Na ito ay naglilinaw sa simula ng tao at sa wakas niya, at sa layunin na dahil doon ay nilikha siya. Ipinaliwanag sa kanya ang daan na kinakailangang tahakin sa buhay na ito at nililinaw nito ang mga bagay na kinakailangan ng tao na iwasan at pag-ingatan.
3. Na ito ay nagpapahalaga sa isip, nag-uutos sa pag-iisip-isip, at pumupula sa kamangmangan, bulag na pagsunod at pagpapabaya sa matinong pag-iisip.
4. Ang Islam ay Teolohiya at Batas. Ito ay kumpleto sa Teolohiya nito at mga batas nito. Ito ay hindi relihiyong pang-isipan lamang, bagkus ito ay kumpleto sa bawat bagay, naglalaman ng mga tamang paniniwala, mga matalinong pakikipag-ugnayan, at mga magandang kaasalan. Ito ay relihiyon ng isang indibidwal at isang lipunan at relihiyon ng Mundo at Kabilang-buhay.
5. Na ito ay nagpapahalaga sa mga damdaming makatao. Itinutuon ng Islam ang mga ito sa tamang dako na gagawa sa mga ito bilang kasangkapan ng kabutihan at kaunlaran.
6. Ito ay relihiyon ng katarungan. Maging sa kaaway man o sa kaibigan o sa kamag-anak o sa di-kamag-anak. Nagsabi si Allah (16:90): “Tunay na si Allah ay nag-uutos sa inyo na itaguyod ang katarungan,”
7. Ang Islam ay Relihiyon ng tapat na kapatiran. Ang mga Muslim ay mga magkakapatid sa Relihiyon. Hindi sila napaghihiwalay ng bayan, ni ng lahi, ni ng kulay. Kaya walang pagtatangi sa panlipunang uri, walang makalahing pagtatangi, at walang bulag na pagkampi sa lahi o kulay o kaangkanan. Ang pamantayan sa kalamangan sa Islam ay sa pangingilag sa pagkakasala. Nagsabi si Allah (49:13): “Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para kay Allah ay ang pinakamapangilag sa inyo sa pagkakasala.”
Answers & Comments
Answer:
Ang Kahalagahan ng Islam:

#KeepOnLearning