Questions


October 2022 1 0 Report
Kabilang sa mga anghel ang mga kerubin. May mga nagsasabi ding ang mga anghel ay nagsisilbing taga pagsanggalang, tagapangalaga at patnubay ng isang tao. May mga paniniwala na ang bawat tao ay may isang bantay na anghel. Sa isang sikat na palabas sa telebisyon na may pamagat na "Nathaniel", ipinakita ang buhay ng isang anghel na bumaba sa lupa upang tuparin ang kanyang misyon na ibalik ang paniniwala ng tao sa Maykapal at maipaalala sa kanila ang taglay nilang kabutihan. Hindi naging madali para sa isang batang anghel tulad ni Nathaniel na gawin ang misyong ito sapagkat nakalaban niya ang mga taong nabulag sa kapangyarihan at kayamanan. Napanood mo ba ang Nathaniel? Si Nathaniel ay anak nina Paul at Rachel sa nasabing teleserye. Bilang isang sanggol, siya ay naaksidente na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At dahil siya ay pumanaw na may dalisay na puso, siya ay naging anghel nang marating niya ang langit. Nang si Nathaniel ay pitong taong gulang na, siya ay pinabalik sa mundo para sa isang mabigat na misyon---ang maibalik ang paniniwala ng tao sa Maykapal at ipaalala sa tao ang kanilang kabutihan. Napadpad si Nathaniel sa isang lugar na tinatawag na bayan ng Laging Saklolo. Inampon siya ng mga Bartolome kung saan natutunan niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pamilya.


_33. Tukuyin mula sa mga sumusunod na pangungusap ang kathang isip.

A. Si Nathaniel ay isang anghel.
B. masyadong makintab ang kaliskis ni Pandaka
C. Si Nathaniel ay naaksidente.
D. napakaliliit ng mga mata nito


_34. Ano ang anghel?

A. mga nilalang na matataas at mapuputi
B. mga nilalang na may kakayahang maglaho
C. mga nilalang na may tungkuling maglingkod sa Maykapal.
D. mga masasamang loob.


_35. I. Napadpad si Nathaniel sa isang lugar na kung tawagin ay Laging Saklolo. II. Naaksidente si Nathaniel. III. Si Nathaniel ay bumalik sa lupa IV. Inampon si Natahniel ng pamilya Bartolome Ano kaya ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng kuwento?

A. I, II, III, IV
B. IV, III, II, I
C. III, II, IV, I
D. II, III, I, IV ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.