Questions


October 2022 2 2 Report
Juan Na Laging Wala Sa Klase

Si Juan ay anak ng mayamang mag-asawa. Pagmamay-ari ng ama niya ang pinakamalaking hacienda sa baryo nila. Isa namang simpleng maybahay ang ina niya, hindi na nito kailangang magtrabaho sa dami ng pera nila.

Dahil nag-iisa siyang anak ng mayamang mag-asawa, kampante si Juan na hinding-hindi na siya mamumulubi hanggang sa pagtanda niya. Ito ang dahilan kung bakit tamad siya mag-aral.

“Hindi ko naman kailangan gumradweyt, e, hindi ko na nga kailangan mag-aral sa dami ng pera niyo ni daddy,” palaging katwiran ni Juan tuwing pinapagalitan ng ina dahil sa hindi pagpasok sa klase niya.

Nagpatuloy ang hindi kaaya-ayang gawain ni Juan. Kahit guro niya ay pinupuntahan na siya sa bahay nila upang kamustahin kung bakit wala siya sa klase.

“Anak, kailangan mong mag-aral. Ang pinag-aralan ang tanging bagay na hinding-hindi makukuha sa iyo nino man,” sabi ng ina ni Juan pagkaalis ng guro niya.

Hindi na mabilang-bilang ang mga pagkakataong pinuntahan siya ng guro niya sa bahay nila. Ngunit, talagang tamad si Juan. Mas gugustuhin pa niyang lumiban sa klase at maglaro sa kompyuter or mamasyal kasama ang barkada.

Isang araw, habang naglalaro ng kompyuter si Juan at kaibigan niyang si Pedro sa kwarto niya, may narinig siyang isang malakas na sigaw ng ina niya.

“Juan! Juan! Ang daddy mo,” sabi ng ina ng batang tamad mag-aral.

Inatake sa puso ang ama ni Juan. Sinundan ito ng iba’t ibang komplikasyon. Halos dalawang buwan na nakaratay ang daddy niya sa ospital bago ito pumanaw. Pati iyong hacienda na pagmamay-ari nila ay naibenta pambayad sa gastusin sa ospital.

“Anak, sa darating na pasukan, kailangan mong lumipat ng eskwelahan. Hindi na natin kakayanin iyong bayarin sa pribadong paaralan diyan sa baryo,” malungkot ng sabi ng ina ni Juan sa kanya.

Naghirap silang mag-ina. Maraming pagkakataon na kinailangan ni Juan na pumunta sa paaralan na walang laman ang tiyan o ang bulsa niya. Doon niya napagtanto na kung sana nag-aral siya nang mabuti gradweyt na siya sa kolehiyo at makakatulong na sa ina niya.

Mas bata sa kanya ang mga kaklase niya at ang mga kasing-edad niya naman ay nagtatrabaho na. Labis ang panghihinayang ni Juan sa mga nasayang na panahon ngunit wala na siyang magagawa.

“Kung sana pinahalagahan ko na noon pa ang pag-aaral ko, ‘di sana hindi na nahihirapan si Mama maglabada,” ang pagsisisi na laging bumubungad sa kanya sa tuwing makikita ang ina na hirap na hirap makakain lang sila.

tanong:
1.gaano kayaman ang pamilya ni Juan?an
o-ano ang yaman ng kanyang pamilya?
________________________________________________________________ 2.makatuwiran ang ba mga sagot ni Juan sa tuwing pinagsasabihan siya ng kanyang nanay? bakit?
________________________________________________________________
3. ano-ano ang nangyari sa kaniyang daddy na nagpamulat sa kanya ng kahalagahan ng pag aaral?
________________________________________________________________

pahelp po thanks☺​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.