Ang birtud ayon pa sa kanya ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao
upang isakatuparan ang pinahahalagahan. Ito ang moral na gawi na
nagbubunga sa pagkamit at pagpapanatili ng pagpapahalaga. Ito ang pinagisipang paraan o hakbang upang makamit ang pagpapahalaga. Halimbawa, ang
pagpapahalaga ng isang mag-aaral sa paglinang ng kanyang karunungan, ay
nagsisikap na makamit ito. Makaranas man siya ng mga pagsubok na maaaring
humadlang sa pagkamit niya nito ay magpapakatatag siya at magpupursigi
upang malampasan ang balakid na ito. Matututuhan niyang magtimpi sa mga
udyok o tukso na magpapalayo sa kanya sa pagkamit ng pagpapahalaga.
Magiging maingat din siya sa paghusga ng dapat at hindi dapat gawin upang
masiguro niya ang matagumpay na paglinang ng karunungan. Totoo din ito sa
iba pang pagpapahalagang nais nating taglayin at isabuhay, kasabay nito ang
paglinang ng ating mabuting gawi upang patuloy itong mapahalagahan. Sa
ganitong paraan, nagkakaugnay ang pagpapahalaga at birtud.
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments