James: Kumusta Charlotte at Shayne! Nagustuhan niyo ba ang talakayan natin kanina sa klase?
Charlotte: Siyempre naman James. Hindi ko akalaing mas tumataas ngayon ang bilang ng teenage pregnancy kaysa noon
Shayne: Paanong hindi Eh, di hamak maraming nakaiimpluwensiya sa kabataan ngayon di gaya noon na gawin ang isang bagay na ginagawa lamang ng mag-asawa
James: Tama ka diyan Shayne. Parehong naglipana ngayon sa telebisyon at internet ang mga palabas na hindi angkop para sa atin.
Charlotte: Kaya sa panahon ngayon, kailangan nating maging responsable bilang isang kabataan.
Shayne: Tama ka diyan. Higit na pag-iingat ang dapat nating gawin sa mga pinanonood natin sa telebisyon at internet. Mga susing tanong:
1. Tungkol saan ang pinag-usapan ng magkakaibigan sa usapan?
2. Naniniwala ka bang nakaaapekto ang mga palabas sa telebisyon at internet sa pagtaas ng bilang teenage pregnancy? Bakit?
3. Bilang kabataan, paano mo mahihikayat ang kapwa mo na maging responsable sa mga pinanonood nila sa telebisyon at internet?
Answers & Comments
1. Ang pinag-usapan ng magkakaibigan ay tungkol sa teenage pregnancy.
2. Oo, naniniwala akong nakakaapekto ang mga palabas telebisyon at internet sa pagtaas ng bilang nito dahil sa panahon ngayon, marami nang hindi angkop o maseselang napapanood, nakikita o nababasa ang kahit sino. Tulad ng social media, mayroong mga hindi mabuting sites, mayroon ding tinatawag social influence at marami sa mga teenagers ang walang malay na hindi ito nararapat.
3. Bilang kabataan, maging responsable ka. Hikayatin ang kapwa kung mayroong hindi maganda, kung responsable ka sa panonood o paggamit ng social media, maaari mo silang mapatulad sayo at maging responsable din. Maging role model.
#CarryOnLearning