IV.Suriin ang salita na may diin at haba. Piliin ang angkop na salitang dapat
gamitin sa pangungusap. Guhitan ang tamang sagot.

18. Malalim na ang (ga:BI, GA:bi) ngunit hindi pa rin siya nakauuwi sa kanilang tahanan.
19. Naparami ng nakaing (ga:BI, GA:bi) ang binata kaya't hindi na niya nagawang
maghapunan.
20. (PI:tong, pi: TONG) malalaking kambing ang kinatay para sa gaganaping kasal bukas.
21. Nagpamahagi ang barangay ng (PI:to, pi:TO) sa bawat tahanan na maaari nilang gamitin
sa oras ng sakuna.
22. Nagkaroon ng malaking (PA:so. Pa:SO) ang bata dahil siya ay natapunan ng kumukulong
tubig
23. Bumili ng maraming (PA:so. pa:SO) ang nanay sapagkat siya ay nawiwili sa pagtatanim
at pangongolekta ng mga halaman.
24. (ba:KA, BA:ka) umulan mamayang gabi dahil nakapasok na sa loob ng Philippine Area
of Responsibility (PAR) ang bagyo.
25. Malaki ang tinaas ng presyo ng bilihin ngayon sa palengke lalo na ang karne ng (ba:KA,
BA:ka).
26. Maraming malalaking (PU:no, pu:NO) ang nagbagsakan dahil sa lakas ng hagupit ng
bagyo.
27. (PU:no, pu:NO) na ng barya ang alkansiyang iniregalo sa kanya ng kanyang kaibigan.
28. Ang (bu:HAY, BU:hay) na ipinagkaloob sa atin ng Diyos ay kailangan nating
ipagpasalamat sa araw-araw.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.