Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa hanay na sitwasyon o realidad ng buhay.
PANUTO: Sumulat ng sanaysay tungkol sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng Noli Me Tangere at kondisyon ng lipunan noong panahon ng Kastila. Iugnay ito sa kasalukuyang panahon.
PAMANTAYAN
PUNTOS
Nilalaman
20
Maayos, malinaw, at kapani-paniwala
20
Paggamit ng salita
10
KABUOAN
50
Answers & Comments
Answer:
Ang pag-aaral ng “Noli Me Tangere” na sinulat ni Jose Rizal ay isa sa mapanghamong aralin para sa akin. Nasabi ko ito dahil malalim at maraming kahulugan ang mga pangyayari at pati na din ang mga tauhan nito. Ako ay talagang napapaisip mabuti sa bawat kabanata na binabasa ko. Madalas ay nahihirapan akong isipin ang senaryo ng mga pangyayari dahil ang tagpuan ng nobela ay ibang-iba sa itsura ng Maynila ngayon. Mabuti na lamang at dahil sa “Lakbay-Aral”, nakita kong marami pa palang lugar sa Maynila ang inalagaang mabuti upang ang itsura nito ay hindi mabago sa orihinal na pagkakatayo nito.
Ang unang lugar na nakapukaw ng aking atensyon ay nang magpunta kami sa Fort Santiago. Nalaman ko na ito ay naging kulungan ng maraming Pilipino noong panahon ng Kastila, at isa na dito si Jose Rizal. Naisip ko kung gaano kaya karaming Pilipino ang inakusahan ng krimen na hindi naman nila totoong ginawa tulad ni Rizal. Ang Fort Santiago ay isa sa patunay kung paano pinahirapan at inabuso ng mga Kastila ang maraming Pilipino. Sinasabing hindi naging makatao ang pagtrato ng mga Kastila sa mga Pilipinong bilanggo dito. Naalala ko tuloy ang Kabanata 4 at 5 ng Noli Me Tangere kung saan sa Kabanata 4 ay ikinuwento ni Tenyente Guevarra kay Ibarra kung paano at bakit nakulong si Don Rafael Ibarra noong panahong wala siya at pagkalipas ng panahon ay namatay na din ito sa kulungan. Sa Kabanata 5 naman ay pinakita na naiisip ni Ibarra ang kanyang ama habang ito ay“nakakulong sa marumi at nakadidiring” kulungan. Naisip ko na ang kulungan ni Don Rafael ay kamukha din siguro ng Fort Santiago at ang pagtrato sa kanya doon ay hindi din makatao kung kaya siya ay namatay sa kulungan dahil sa pagkakasakit doon.
Ang sumunod na lugar na nakapukaw sa akin ay ang San Agustin Church. Ito ay napakaganda at napakalaking simbahan. Sa aming pag-iikot sa loob ng simbahan, napansin ko kung gaano ka-engrande ang altar nito. Napansin ko din ang mataas na pulpito na ayon sa aming “tour guide” ay isang simbolo ng mataas na pagtingin ng mga prayle sa sarili nila noong panahon ng Kastila. Pagkasabi niya nito, naisip ko kaagad si Padre Damaso noong panahong siya ay nagbibigay ng sermon at kung paano inilahad ang pagsisimba ng mga tao sa Kabanata 30 at 31. Dito ay pinakita din kung paano minamaliit ni Padre Damaso ang mga Pilipino at hindi niya pinag-aaksayahan ng panahong aralin ang sermon sa Tagalog dahil ang tingin niya sa mga Pilipino ay puro mangmang.
Sa kasalukuyang panahon, naisip ko na tulad din ni Ibarra, ang pakiramdam ko ay halos walang pinagbago ang Pilipinas pagkatapos ng matagal na panahon. Ang kulungan natin ay napakasikip at napakadumi pa din. Oo nga at mas makatao na ang pagtrato sa mga bilanggo ngayon, pero marami pa din hanggang ngayon ang nabibilanggo kahit na sila ay inosente. Ito ay isang pagpapakita na ang ating panghukumang sistema ay hindi halos nagbago. Tungkol naman sa posisyon ng mga pari natin ngayon, hindi na sila mapang-abuso tulad nila Padre Damaso, pero marami pa din mga gawi at tradisyon na galing sa mga Kastilang pari na hanggang ngayon ay sinusunod pa din natin. Maaaring ang iba ay mabuti para sa atin tulad ng pagsamba sa Diyos ngunit hanggang ngayon ay may mga naririnig akong balita sa telebisyon na may mga paring inaabuso pa din ang kanilang kapangyarihan. Anupa’t kung iisipin natin, may mga kanser ng bayan na pinakita ni Jose Rizal sa Noli Me Tangere ang hanggang ngayon ay makikita pa din sa ating lipunan.