Questions


September 2022 1 0 Report
Ito ay hindi isang tanong kundi ay sagot sa aktibidad na nasa imahe.

1. Pamagat _ Ang Sagradong Buhay ng Tao
2. Panimula_ a&b
Ang buhay ng tao ay sagrado dahil sa ito ay buhay na hiniram lamang natin sa Diyos. Lahat ng tao ay nakagawa na ng bagay na taliwas sa salita at utos ng diyos. Maraming naligaw ang landas ngunit mayroon namang natuto at nahanap ang landas patungo sa diyos.

3. Mga argumento sa isyu a, b &c

Marami akong nakilala at nakasalamuha na minsan ay tumaliwas sa salita ng diyos. At aminado ako na ako ay minsang naging isa sa kanila. Ang sagot ko at nila sa iisang tanong ay magkapareho lamang. Bakit nga ba tumataliwas ang tao sa salita at batas ng diyos?

Ang mga tao ay nakaranas ng malaking problema sa buhay nila. Napapaisip na hindi niya kayang lagpasan ito. Sa laki ng kanilang mga problema at sa kagustuhan na malutas ito kahit na taliwas pa sa batas ng diyos ay ginagawa nila.

Halimbawa na lamang, ako ay may nakilala sa internet noon. Naging matalik na kaibigan ko siya sa loob ng ilang buwan. Minsan ay nagbago ang kaniyang pakikitungo sa akin at sa iba pa naming mga kaibigan. Napag alaman namin na siya at nakararanas ng malaking problema. Ang kaniyang amahin pala ay ginagalaw siya. Napanghinaan siya ng loob noon, ninais niyang kitilin ang kaniyang buhay at tapusin ang kinahaharap niyang problema. ngunit sa tulong ng mga kaibgan niya na malapit sa kaniya at kaming sa internet lamang niya nakilala ay nagawa niyan lagpasan ito.

4.Ang sariling posisyon o pananaw sa isyu
Ako ay isa sa mga taong minsan ay tumaliwas rin sa batas ng Diyos. Naging saksi rin ako sa pag labag ng ibang tao sa kasagraduhan ng buhay.

5. Konklusyon
Ang tao ay tumaliwas sa batas ng diyos, ang tao ay naliligaw ng landas dahil sa mga pagsubok niyang hinaharap. ang dapat nating gawin ay tulungan sila at maging isang instrumento ng diyos.

6. Sanggunian o Batayan
sariling karanasan. ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.