Ang tauhan ang mahalagang elemento ng maikling kwento sapagkat sa kanila nakasalalay ang organisado at malinaw na pagbabahagi o paglalahad ng akda. Karaniwang niliikha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. Ang tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari ay tinatawag na pangunahing tauhan samantalang ang iba pang mga tauhan ay tinatawag na pantulong na tauhan.
Ang tagpuan ng kwento ay tumutukoy sa atmospera, lugar, at panahon kung paano inilahad ng may – akda ang kanyang akda o kwento.Sa pamamagitan ng tagpuan, nadadala ng may-akda ang mga mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon, at naipadarama ang mga pangyayari. Mula sa simpleng tahanan hanggang sa pinakamagarang lugar sa mundo ay nakadaragdag ng esensya sa kwento.
Ang saglit sa kasiglahan ay bahagi ng pataas na aksyon na naghahanda sa mga mambabasa sa pagtukoy ng mga pagsubok na kakaharapin ng pangunahing tauhan sa akda o kwentong binabasa. Sa bahaging ito inihahanda ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan at binibigyan sila ng hinuha.
Ang suliranin o tunggalian ay bahagi ng pataas na aksyon na kung saan nakikipaglaban ang pangunahing tauhan sa mga taong salungat sa kanya sa kwento o akda.Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili, o tao laban sa tao o lipunan.
Ang kasukdulan ang elemento ng maikling kwento na may pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
Ang kakalasan ay elemento ng maikling kwento na nagpapakita ng paunti – unting paglilinaw ng mga pangyayari na nagsisilbing hudyat o sensyales na ang aksyon ng tauhan ay unti – unti ng bumababa at nagbibigay – daan para sa pagtatapos ng kwento.
Ang wakas ay maaaring maging trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan. Ang wakas ang bahagi ng banghay na nasa pinakahuli o dulo ng akda o kwento na siyang nagtatakda ng magiging resulta ng mga pangyayari sa kwento
Answers & Comments
Answer:
Mga Elemento ng Maikling Kwento:
tauhan
tagpuan/panahon
saglit sa kasiglahan
suliranin o tunggalian
kasukdulan
kakalasan
wakas

Explanation: