Ito ay antas ng wika na natatagpuan sa mga opisyal na dokumento at ginagamit ng mga manunulat.

A. pampanitikan
B. kolokyal
C. lalawiganin
D.pambansa

Alin sa sumusunod ang katangian ng isang alamat?

○nakasulat sa anyong patula
○gumagamit ng hayop bilang tauhan
○tungkol sa pinagmulan ng mga bagay sa kapaligiran
○lumaganap sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol

Ang pitong dalaga’y madalas nakikita sa dalampasigan habang nagtatampisaw, lumalangoy, naghahabulan, at nagtatawanan. Mahihinuha mula rito na ang mga dalaga ay _____________________.

○masayahin
○mapagwalambahala
○malaro
○palakaibigan

Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama. “Hindi n’yo pa kilala nang lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi ako papayag.” Mahihinuha mula rito na ang ama ay…

○magalitin
○mapagmalasakit
○mainisin
○mapagbigay

“Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal ang dumating sa kanilang bayan.” Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa ipinahihiwatig ng pahayag?

○Ang panahong inilalarawan sa kuwento ay panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
○Ang mga tauhan sa kuwento ay nabubuhay sa pakikipagpalitan ng mga produkto.
○Ang lugar sa binasang kuwento ay magubat at bulubundukin.
○Ang lugar sa binasang kuwento ay napalilibutan ng karagatan.

Paano nagsimulang lumaganap ang alamat?

○sa pamamagitan ng internet
○sa pamamagitan ng pasalindila
○sa pamamagitan ng pagsulat
○sa pamamagitan ng komiks

Sinasabing ipinasunog ng mga prayleng Espanyol ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno. Ang iba’y ipinaanod sa ilog sapagkat ayon sa kanila, ang mga iyon daw ay gawa ng demonyo. Bakit kaya sinasabi ng mga prayleng Espanyol na gawa ng demonyo ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno?

○dahil ito (panitikan) ay kumakalaban sa pamahalaang Espanyol
○upang yakapin ng mga katutubo ang relihiyong Katolisismo
○dahil hadlang ito (panitikan) sa layunin nilang masakop ang Pilipinas
○nawawalan ng panahon ang mga katutubo sa pagtatrabaho dahil sa kasusulat ng mga panitikan

“Sana, kung makahahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lang sa aming isla upang hindi sila mapalayo sa akin.” Anong kaugalian ang mahihinuha sa bahaging ito ng binasang alamat?

○paggalang ng magulang sa desisyon ng anak
○pagpapahalaga sa pagkakabuklod-buklod ng pamilya
○pagsasaalang-alang ng magulang sa kahinaan ng anak
○pagpapahalaga sa pagiging ama bilang haligi ng tahanan

Paano mo mailalarawan ang mga pangyayari sa alamat?

○makatotohanan
○makababalaghan
○walang kabuluhan
○hindi nangyayari sa tunay na buhay

Ang sumusunod ay nagpapahiwatig kung bakit kailangang patuloy na tangkilikin ang mga alamat sa Pilipinas MALIBAN na lamang sa ________________.

A. pumapaksa sa katutubong kultura
B. pumapanday sa moralidad ng bawat indibidwal
C. hindi kapani-paniwala ang mga pangyayari at tauhan
D. tumutuligsa sa masasamang gawi ng bawat indibidwal

Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata sa mga dalaga. Naging mabilis ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong binatang estranghero. Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalagang agad namang nagsipayag. Bakit kaya agad na pumayag ang pitong dalaga sa alok ng mga estranghero?

A. Mahal nila ang mga binatang estranghero.
B. Napahanga sila sa ipinamalas na kabaitan ng mga estranghero
C. Handa na silang lumagay sa tahimik dahil nasa hustong gulang na sila.
D. Noon lamang sila nakakita ng mga binata dahil nasa bundok sila nakatira​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.