Mga naidudulot ng media at teknolohiya sa mga tao:
Sa Kalusugan
Mabuti: Malaking tulong ito sa buhay natin upang magkaroon ng kaalaman may kaugnayan sa pagpapanatili sa ating kalusugan. Makakakita, makakanood at makakabasa tayo dito ng mga impormasyong mapapanaligan para manatiling malusog ang sarili natin at mapangalagaan ng ayos ito. Isa pa, nakakatulong rin ito sa paraan ng pagrerelaks may kaugnayan sa paglilibang sa ating sarili.
Di-mabuti: Kapag sobra tayong gumagamit nito, maaaring magkasakit tayo. Maaaring lumabo ang ating mata dahil sa walang disiplina sa paggamit. O kaya naman dahil sa pagpupuyat dito, baka magkaroon na ng komplikasyon sa ating mga katawan.
Sa Relasyon
Mabuti: Pantulong ang media at teknolohiya para magsilbing daan ng magagandang komunikasyon lalo na kung malayo tayo sa mahal natin sa buhay. Titibay parin ang samahan ng pamilya kung patuloy na magtatawagan gamit ang mga ito. Kaya walang makakapigil sa pagkakaroon ng usapan kahit nasaan man lugar ang isa.
Di-mabuti: Masama ang nagiging resulta kung sobra na ang paggamit ng media dahil baka mawalan na ng panahon para sa kaugnayan natin sa mga miyembro ng pamilya. Maaaring mapalayo na ang loob ng isa kung hindi magkakaroon ng limitasyon dito. Gayundin, baka rin sanhi ito ng hiwalayan para sa ibang pamilya.
Sa Pag-aaral
Mabuti: Kapaki-pakinabang nga ito sa buhay ng maraming estudyante dahil mas napapadali ang pagsasaliksik at pagkuha ng mga kinakailangan impormasyon para sa isang takdang aralin. Maaari rin makapag-aral ang isa sa pamamagitan ng pagbabasa online at makapanood ng mga videos may kaugnayan sa paksa sa aralin.
Di-mabuti: Kagaya rin ng mga nabanggit sa itaas, kapag sobra ang paggamit ng teknolohiya, maaaring magkaroon na ng saloobin ang isa na iasa dito ang mga sagot at maging tamad sa paggawa ng mga asignatura. At baka ang mas malala pa ay bumagsak sa mga pagsusulit dahil sa kapabayaan ng isa.
Answers & Comments

Magtungo pa dito para sa higit pa:
Ang kahalagahang mga makabagong teknolohiya: brainly.ph/question/159754
Ang kahulugan ng social media: brainly.ph/question/1255762
Isang opinyon may kaugnayan sa makabagong teknolohiya: brainly.ph/question/2132797
#BrainlyEveryday