Questions


October 2022 2 5 Report
Isulat sa sagutang papel ang titik ng sagot na angkop sa iyong gagawin sa bawat sitwasyon. 1. Mayroon kang tinatapos nia takdang-aralin hanggang hatinggabi. Upang hindi ka antukin, nilakasan mo ang radyo. Lumabas sa kuwarto ninyo ang bunso mong kapatid at sinabihan ka na hindi siya makatulog sa lakas ng radyo mo. Sinabi niya na hinaan mo ito ngunit inaantok ka na. Ang malakas na tunog lang ang nag-aalis ng antok mo. Ano ang gagawin mo? A. Papatayin ang radyo, hindi tatapusin ang takdang-aralin at magsusumbong sa nanay na inistorbo ka kaya wala kang maibibigay na takdang-aralin sa guro. B. Papatayin ang radyo at maghahanap na lang ng ibang paraan para hindi antukin. C. Pagagalitan ang kapatid dahil nakikialam siya. D. Lahat na nabanggit. 2. Isang kamag-anak mo ang nagsabi na may ikinalat na tsismis tungkol sa iyo ang iyong matalik na kaibigan. Nagkataong nasalubong mo siya sa mall. Ano ang gagawin mo? A. Balewalain ang sinabi ng kamag-anak. B. Hindi na ako makikipagkaibigan sa kanya. C. Magagalit sa matalik na kaibigan at hindi na papansinin kailanman. D. limbitahin ang kaibigan sa isang tahimik na lugar at tatanungin nang mahinahon kung totoo ang isinumbong ng kamag-anak. 3. Pinagalitan ka ng iyong guro dahil sa isang pagkakamali na hindi naman ikaw ang gumawa. Napahiya ka sa buong klase. Napag-alaman mo na isa pala sa kamag-aral mo ang nakagawa ng mali at ikaw ang kaniyang naituro nang tanungin siya ng inyong guro. Humingi siya ng tawad sa iyo at nangakong sasabihin sa guro ang totoo. Ano ang gagawin mo? A. Pakikinggan ang paliwanag ng kamag-aral at tatanggapin ang kaniyang suhestiyon. B. Sasabihin sa kaniya na huwag nang mag-abala dahil nasira ka na sa inyong guro. C. Aawayin siya nang husto dahil sa iyong pagkapahiya sa klase. D. Wala sa nabanggit. 4. May darating na balikbayan sa inyong bahay. Wala ang inyong mga magulang. Iminungkahi ng inyong panganay na kapatid na maglinis nang husto sa bahay. Alam mo na wala kang panahon para dito dahil may tinatapos kang proyekto na ibibigay mo sa iyong guro kinabukasan. Ano ang gagawin mo? A. Kakausapin ang kapatid na nagbigay ng suhestiyon na maglilinis kayo pagkatapos na lang ng proyekto mo. B. Iiwan ang kapatid at lilipat sa ibang bahagi ng bahay upang matapos mo ang iyong proyekto. C. Maiinis sa kapatid dahil naiistorbo ka at nawala sa isip mo ang iba mong balak gawin. D. Huwag pansinin ang suhestiyon ng kapatid.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.