Malaking bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos 60 bansa ang naapektuhan ng ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa Unang Digmaang Pandaigdig.
. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa.
Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolini, at Imperyong Japan ni Hirohito.
Napagtibay ang simulating command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar.
Naging daan ito sa pagsilang ng malalayang bansa ang East Germany, West Germany, Nasyonalistang China, Pulahang China, Pilipinas, Indonesia,Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq, at iba pa.
Pagtatatag ng Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations). Noong ika-24 ng Oktubre, 1945 ay itinatag ang Mga Bansang Nagkakaisa o United Nations(UN).
Answers & Comments
ayan ang answer pa brainliest nlng thanks btw good morning goodluck.